Monday , December 23 2024

Biñan, Laguna umangat sa fault line

UMANGAT ang lupa sa ilang bahagi ng Biñan, Laguna na sinasabing sakop ng fault line.

Ayon kay Carlo Lorenzo, caretaker ng isa sa mga bahay na sinasabing nakatayo sa itaas ng West Valley Fault, tumatagilid ang kanyang bahay maging ang pader sa loob ng banyo.

Aniya, dati nang kinompirma ng Japanese engineers kasama ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nasa fault line ang ilang mga bahay sa Juana Subdivision.

Sa katunayan, may gauge sa tapat ng bahay nila kung saan sinisilip ng mga Japanese ang paggalaw ng lupa sa naturang lugar.

Higit kalahating metro na ang inangat ng lupa rito.

Ngunit ayon sa Phivolcs, hindi bahagi ng fault line ang nabanggit na lugar.

Paliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum, “ito pong napapansing pagbitak sa Muntinlupa at San Pedro [at] Biñan, ito po ay sanhi ng patuloy na pagbagsak ng lupa dahil po sa pagkuha ng tubig.”

“‘Pag sumobra ang bilis ng kuha kaysa dun sa pagpalit ng tubig, naturally ay talagang babagsak ang lupa.”

Gayonman, dapat pa ring iwasan ang nasabing lugar dahil patuloy na mabibiyak ang mga kalsada dito lalo na kapag yumanig ang sinasabing “The Big One”.

“Doon po sa ating inilabas na bagong mapa, ipinapakita po natin kung saan mismo ‘yung mga lugar na bumabagsak dahil sa pagkuha ng tubig.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *