HINDI totoong hindi nagpa-interview si Bureau of Immigration (BI) chief, Commissione Siegfred Mison sa news reporter ng isang pahayagan na nagpaputok ng isyu ng payola sa mga mambabatas para sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Kahapon, sa isinagawang imbestigasyon sa Kamara (House of Repsentatives), inamin ni Mison, na siya ang nagkompirma sa media na ang kanyang associate commissioner ang nag-ponente ng desisyon para sa kaso ng Chinese national na si Wang Bo.
Si Wang Bo ang tinutukoy sa isang pahayagan na umano’y magbibigay ng P540 milyones para sa mga opisyal ng Department of Justice, Bureau of Immigration at ilang mambabatas sa Kamara para sa mabilis na pag-aapruba ng BBL.
Sa gitna ng imbestigasyon sinabi ng mamamahayag na si Mison ang talagang may pakana ng suhulan, batay sa impormasyong ibinigay sa kanya ni Gov. Alfonso “Boy” Umali.
Habang idinidiin naman ni Mison sina Associate Commissioner Mangotara at Repizo, ang aniya’y kinausap ng abogado’t representative ni Wang Bo at hindi siya kaya’t wala siyang kinalaman sa naturang alingasngas.
Kaugnay nito, nakaladkad ang pangalan ni Justice Secretary Leila De Lima sa usapin dahil P100 milyon pala ang nakalaan sa kanya sa nabanggit na bribery na gagamitin sa kanyang senatortial campaign, base na rin sa binitawang salita ni Herrera sa pagdinig.
Samantala tahasang sinabi ni Manila Standard Today reporter Christine Herrera na paninikil sa press freedom ang ginawang pambabraso ni Rep. Elpidio Barzaga Jr., kay sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa BBL payola na kinasasangkutan ng Chinese fugitive na si Wang Bo.
Sa harap ng mga mamamahayag, mambabatas at mga resource person, tinakot ni Barzaga na ipasa-sight for contempt si Herrera dahil hindi siya mapilit na pangalanan ang kanyang mga source sa balitang isinulat niya hinggil sa nangyaring suhulan sa Bureau of Immigration (BI).
Napaiyak si Herrera kaya’t binawi ni Barzaga ang kanyang sinabi ngunit nagbantang itutuloy ang pagpapa-contempt sa reporter kung hindi sasabihin sa susunod na pagdinig ang mga pangalan ng kanyang mga source.
Nauna rito, tinindigan ni Herrera sa harap ng high ranking officials ng BI at ilang mambabatas na nagsilbing mga resource person, ang isinulat niyang may nangyaring anomalya sa laban-bawi na deportation decision ng BI kay Wang.