Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea at Claudine, ipapalit kay Juday sa serye nila ni Richard

TALBOG – Roldan Castro . 

061715 bea claudine juday Richard Yap

MARIAN Rivera ang peg ngayon ni Judy Ann Santos. Kung si Marian ay napalitan ni Rhian Ramos sa serye sa GMA, dahil maselan ang pagbubuntis, si Juday naman ay balitang papalitan na rin sa serye nila ni Richard Yap na Someone To Wach Over Me.

Gusto kasi ng Soap Opera Queen na alagaan ang sarili habang preggy at kailangan niyang magpahinga.

At least, hindi mababakante si Sir Chief kahit iba na ang leading lady niya. Hindi rin mauudlot ang comeback teleserye ni Diether Ocampo. Marami ang nagsa-suggest na si Bea Alonzo ang sakto at bagay na replacement ni Judy Ann sa serye.

Puwede ring isugal nilang comeback teleserye ni Claudine Barretto na dating karibal ni Juday noong aktibo pa siya, huh! Dati ring ka-partner ni Claude si Diet kaya may chemistry na.

At least, diyan mapatutunayan kung may asim pa ang tinaguriang “The Optimum Star” at kaya pa ring magdala ng isang serye.

Pak!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …