Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, may iba raw lalaking kasama sa HK (3 linggong ‘di nag-usap at nag-cool off pa)

 

TALBOG – Roldan Castro .

012815 Angelica Panganiban lloydie

THE height naman ‘yung chism na nagpunta raw sa Hongkong si Angelica Panganiban at umano’y may ibang lalaking kasama habang nagkakatampuhan sila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Hindi totoo ‘yun lalo’t ang huling punta niya sa naturang lugar ay sumunod siya kay Lloydie. Hindi rin siya ang tipo ng babae na ganoon. Sobrang busy din siya sa sa taping ng bago niyang serye at sa Banana Split kaya malabong mag-out of the country ang dalaga.

Balitang nagkabati na sina JLC at Angelica pero kung laging ganoon ang sitwasyon nila baka raw hindi nila ma-control at mauwi rin sila sa hiwalayan. Napabalita kasi na tatlong linggong hindi nag-usap at umano’y nag-cool off ang dalawa.

Nasa kanilang dalawa rin naman kung paano nila mapatitibay ang pundasyon ng kanilang relasyon, ‘no?!

Anyway, idinaan na lang sa pagluluto ng masasarap na ulam ang makikita sa Instagram Account ni Angelica sa rumor na nagkakalabuan sila ni Lloydie. Naka-tag ito kay JLC na parang pinalalabas ng actress na okey ang relasyon nila at inihanda n’ya ang pansit at bistek na ‘yun para sa actor ng Home Sweetie Home.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …