Monday , December 23 2024

Uber, GrabCar operations ipinahihinto ng Kamara

IPINASUSUSPINDE ng Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Transportation ang operasyon ng mga transportation network company (TNC) tulad ng Uber at GrabCar hangga’t hindi tumatalima sa regulasyon at requirements ng pamahalaan.

Kabilang na rito ang pagkuha nila ng prangkisa at pagpapa-accredit sa kanilang transport company.

Pinuna ng TWG ang Department Order (DO) 2015-11 ng Department of Transportation and Communications (DoTC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinapayagan ang mga pribadong sasakyan na mag-operate bilang taxi habang nakasuspinde pa ang pagbibigay ng prangkisa sa mga taxi.

Ayon kay Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu, dapat suspendihin ang operasyon ng mga TNC hanggang sa makasunod ito sa requirement ng gobyerno.

Ituturing silang kolorum hangga’t wala pang requirements.

Samantala, sinabi ni Atty. Bong Suntay ng Philippine National Taxi Operators Association, hindi patas sa taxi drivers at operators ang pagpayag na makabiyahe ang mga sasakyan sa ilalim ng TNC kahit wala pa itong kaukulang dokumento.

“Hindi kami totally tutol. Ang gusto lang namin, magkaroon kami ng level playing field.”

Maituturing na aniyang public transportation ang mga sasakyan na marerentahan sa pamamagitan ng phone applications dahil may usaping pera na rin dito.

Naghain na aniya sila ng mosyon sa DoTC laban dito ngunit hindi sila pinakinggan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *