Monday , December 23 2024

Pension funds ng retired cops naibulsa na?

HINIHINALA ng Philippine National Police Retirees Association, Inc. (PRAI) na naibulsa na ng iba ang pondong inilaan sana para sa pensyon ng mga retiradong pulis.

Sinabi ni retired Police Chief Supt. Allyn Evasco Jr., vice president for Mindanap ng PRAI, kulang pa ng 19 buwan pension differential ang nakukuha nila.

“Ang natanggap namin ay 17 months only so sa sinasabi ni Ma’am Canda (DBM ASec. Tina Canda) na 36 months ang maibibigay sa amin, saan napunta ang 19 months? So ibig sabihin ‘yung 19 months na ibinigay ng DBM eh dapat maimbestigahan po ito ng CoA (Commission on Audit), baka pagdating sa PNP nagkaroon ng hocus-pocus.”

Batay sa kwenta ng PNP, nasa P700 milyon lang ang kulang sa kanila ngunit naniniwala ang PRAI na aabot na ito sa P8 bilyon na katumbas ng 32 buwan.

Hinala niya, posibleng nasa PNP pa ang pera na hindi naibigay sa kanilang mga retiradong pulis.

Ayon kay Evasco, may 66,500 retirees, survivors, transferees at beneficiaries ang miyembro ang PRAI.

Habang siniguro ni PNP officer-in-charge Leonardo Espina, inaaksyunan nila ang isyu sa hindi pa natatanggap na pensyon ng mga retiradong pulis.

Aniya, hinihintay na lang nila ang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM) dahil nakapag-request na sila rito.

Sa naantalang pension, benepisyo

Pasensiya habaan pa — Palasyo

HINIMOK ng Palasyo ang mga retiradong pulis at sundalo na habaan pa ang pasensiya sa paghihintay sa pensiyon at benepisyo na halos tatlong taon nang hindi naibibigay ng gobyerno.

Kamakalawa ay umapela ang PNP at AFP retirees kay Pangulong Benigno Aquino III na pansinin naman sila dahil matagal nang naghihintay ng kanilang pensiyon at umaasa sa pangako ng gobyerno.

Sinabi kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ipinag-utos na ni Pangulong  Aquino  ang agarang  pagresolba sa pensiyon ng mga retiradong sundalo at pulis na inabot  na nang  halos tatlumpung buwan.

Iginigiit ng AFP retirees, ibigay na ang kanilang differentials dahil tila idinaraan na ito sa limot ng mga opisyal.

Nag-ugat ang problema sa kakulangan ng pondo sa mga  nakalipas  na taon na naging dahilan para lumobo nang husto ang pension claims nila.

Naghihinanakit ang mga retiradong sundalo at pulis dahil halos hindi na sila pinakikinggan ng gobyerno gayong itinaya nila ang kanilang buhay sa pagtatanggol sa bayan noong sila ay nasa serbisyo pa.

Giit ni Coloma, batid ng Pangulo ang naging  sakripisyo ng mga beterano at retirees kaya’t pinamamadali na ang paglutas  sa pensiyon nila.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *