Ibinalik namin ang usapan sa pag-alis niya na bonding time raw nilang mag-asawa kasama ang mga anak ng aktor na sina Queenie at Shen-Shen.
Speaking of Queenie, nag-asawa na siya kaya tinanong namin si Mariel kung ano ang sabi ni Robin sa pag-aasawa ng kanyang panganay at ang alam namin ay daddy’s girl pa.
“’Di ba Reggs, sinabi ko naman sa ‘yo kapag tungkol sa mga anak ni Robin, ayokong makialam, ayokong mag-comment, pero ito lang ang masasabi ko, si Queenie, mabait ‘yan na bata, mabait siya na anak kasi roon kasi sa pagiging Muslim niya, kailangan mabuti kang anak.
“So ‘yun ang nasa isip niya na kapag may isang bagay siyang gagawin, kailangan ma-please niya ‘yung magulang niya, si Robin ang nagbigay ng blessing (pag-aasawa) o si Liezl nagbigay ng blessing sa kanya.
“Nagulat lang siguro ang lahat kasi hindi naman si Queenie ‘yung tipong showbiz na isini-share ang lahat, actually matagal na niyang na-post ‘yun sa Instagram account niya, siguro mga December last year (2014), ngayon lang talaga pumutok.
“Nag-aaral naman talaga si Queenie, at saka mabait din naman ‘yung asawa niya, Muslim din na natuturuan siya tungkol sa Islam, maganda naman,” paliwanag mabuti sa amin ng misis ni Binoe.
FACT SHEET – Reggee Bonoan