Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga pulis na kolektor ng payola ipinasasakote ni Director Valmoria

00 rex target logoSA PAGTALIMA sa kautusan ni DILG secretary Mar Roxas patungkol saOPLAN LAMBAT SIBAT, inatasan ni NCRPO chief, Director Carmelo Valmoria ang kanyang special task force na tugisin at hulihin ang tatlo sa mga bantog na police cum kolektor ng payola na gumagamit sa ilan tanggapan ng R2-NCRPO, SPD at CIDG SOUTH.

Kinilala ng sources ang tatlong pulis na sina JIGS SERBILLION, MILO ASPELET at ROMEL ‘SPIKE’  2-WAZON.

Ang tatlo umano ang sinasabing naghahasik ng lagim sa buong NCR at walang pakundangang nangongolekta ng payola mula sa mga ilegalista sa buong Kamaynilaan.

Ang utos ni Director Valmoria ay alinsunod na rin sa kautusan niSec. Roxas na linisin at tanggalin sa police force ang lahat ng ‘corrupt’ at ‘scalawags’ na mga pulis.

Ilan umano sa illegal activities na kinukuhaan ng payola ng tatlong binanggit na mga parak ay mga bahay-aliwan na nagpapalabas ng malalaswang panoorin, gambling joints, mga putahan at drug dens.

Base sa intelligence report, sina  JIGS “VK”SERBILLION , ASPELET  at SPIKE 2-WAZON  ang umano’y nag-iikot at gumagamit sa ilang departamento at police units ng  R2 / NCRPO ni Col. Cabreros , SPD ni Gen. Ranola at CIDG SOUTH ni Maj. Lanzarote.

Samantala, pinapupurihan natin ang naging performance ni Director Valmoria sa kanyang naging stint sa NCRPO.

Nakatakdang magretiro ang mamang heneral sa susunod na buwan. Miyembro ng PMA Class 82 si Valmoria na mistah si outgoing PNP OIC, General Leonardo Espina.

Naka-schedule na rin ang isang major reshuffle sa hanay ng pambansang pulisya dahil sa pagreretiro ng ilan sa matataas na opisyal sa susunod na buwan.

Nais ni Director Valmoria na mag-iwan ng isang tunay na ‘legacy’ sa police force kung kaya’t mahigpit niyang ipinag-utos ang pagsakote sa tatlong bugok na pulis na nagsisilbing kalawang sa imahe ng PNP.

Dalawa pang deputy ni Director Valmoria, sina Chief Supt. Diosdado Valeroso  ng PMA Class 82 at Chief Supt. Allen Bantolo ng PMA Class 83 ang nakatakdang magretiro sa susunod na buwan at sa Setyembre ngayong taon.

Ilan sa mga pangalang posibleng pumalit kay Director  Valmoria  ay sinasabing mga heneral na nabibilang sa PMA Batch 84.

Ngayon ngang magreretiro ang isa sa magagaling at tapat na opisyal ng PNP, sana naman ay maging kasing galing at kasing tapat sa kanilang magiging tungkulin ang papalit sa posisyon ng ating kaibigang si Director Valmoria.

Mabuhay ka Director Valmoria.

Goodluck sa mga plano mo outside of the police profession. The media industry will surely miss Director Valmoria! 

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …