Friday , November 15 2024

Cancer patients isama sa PhilHealth

SANHI ng hirap na kalagayan ng mga pasyente ng kanser sa bansa, kailangan umanong isama sila bilang benepisaryo ng PhilHealth, ayon kay Cancer Coalition convenor Dr. Dario Lapada Jr.

Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, ipinaliwaang ni Lapada na sa kasalukuyang kondisyon ng mga may sakit na kanser imposible na para sa kanila na magkaroon ng access sa mahahalagang medical procedure at treatment na made-detect nang maaga ang kanilang karamdaman para mabigyan ng lunas.

“Kapag nasa early stage maaari pang pagalingin ang kanser. Kaya lang, ang problema ay para roon sa may kanser huli na kapag nadiskubre nilang mayroon sila, idiniin ng duktor.

Sinuportahan naman ito ni Garchitorena Medicare Community Hospital director  Dr. Geneve Rivera-Reyes, na nagsabing dahil sa budgetary constraints ay napag-iwanan ang mga pasyente ng kanser sa pagtanggap ng benepisyo mula sa pamahalaan.

“Kapag ineksamin natin ang allocation ng national budget para sa kalusugan dalawang porsyento lang ang nakalaan para sa mga non-communicable disease, kasama ang kanser,” ani Reyes.

Ayon sa oncologist na si Dr. Mary Claire Soliman, nangunguna sa mga kanser na pumapatay sa mga kalalakihang Filipino ang nakaaapekto sa baga, atay at lapay habang sa kababaihan ay kanser sa dibdib, cervix at gayon din ang baga.

Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *