UNCUT – Alex Brosas .
BATA pa pala ang nag-remake ng novelty song na Arimunding-Munding.
Twenty something lang pala si Alexis na kumanta niyon at binigyan ito ng pop flavor. Young and sexy, Alexis is a zumba instructor kaya naman pala hindi siya tumataba.
“Kasi wala naman masyadong gumagawa niyon at hindi naman ako masyadong mabirit,” paliwanag ni Alexis kung bakit iyon ang napili niyang i-revive na kanta.
Nagtapos ng Communication Arts si Alexis at marami na rin naman siyang nagawang commercials, the last being Maxi-Feel na umeere ngayon.
Dream pala ni Alexis na mag-artista. Naging bahagi siya ng ilang teleserye tulad ng Lumayo Ka Man Sa Akin at PS. I Love You. Ang dream talaga niya ay makapag-perform sa ASAP. She has appeared in Tinik directed by Romy Suzara where she played a model na naging dyowa ni Lemuel Pelayo.
Bilang zumba instructor ay mabenta si Alexis sa mga company event, bazaars na siya ang nagde-demo.