Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utol ni Coco na si Ronwaldo, super mahiyain pa

 

TALBOG – Roldan Castro . 

061015 Ronwaldo Coco Martin

BILIB kami sa ibinibigay na suporta ni Coco Martin sa nakababata niyang kapatid na si Ronwaldo Martin. Sa storycon ng pelikula ni Direk Louie Ignacio na Mga Isda Sa Tuyong Lupa (Outcast) ng BG Productions International ay siya ang nag-asikaso sa damit na isusuot ng utol at styling.

Ang ikinaloka lang ng movie press ay hindi tinuruan si Ronwaldo na sumagot sa mga tanong. Nangingibabaw ang pagiging mahiyain nito kaya isang tanong, isang sagot ang nangyari. To the point na humihingi na siya ng saklolo kay Ferdinand Lapuz (manager niya) na ang maging spokesperson.

Nang tanungin kung ano klaseng kapatid si Coco, ”mabait po,” maikling sagot niya.

Humirit na ang isang katoto na kung puwede ay habaan naman niya ang sagot.

Mapapatawad pa ngayon dahil baguhan pa ang bagets pero sana i-train siya at sanayin para maging mahusay siya sa susunod na presscon at interview.

Makaka-partner ni Ronwaldo si Barbie Forteza sa naturang pelikula kaya masaya siya dahil crush niya ito. Makakasama rin nila sina Rodjun Cruz, Ana Capri, Gina Pareno, Jak Roberto atbp..

Hindi pa inirerekomenda ni Coco na isama si Ronwaldo sa kanyang mga TV show dahil gusto muna niyang masanay ito sa mga indie at para hindi siya mapahiya.

Dalawang indie films na ang nilabasan ng bagets. Ito ‘yung Tumbang Preso at Kasal.

Alam ni Ronwaldo na challenging ang maging kapatid si Coco dahil hindi maiiwasang ikompara siya rito. ‘Pag may kapalpakan siyang nagawa sa showbiz ay sasabihin ng tao, bakit ganoon ang utol ni Coco?

Pero pinupuri niya si Coco dahil lahat ng pangangailangan nila ay ibinibigay nito. Nakikita nila ang focus at pagsisikap ng Primetime King ay para sa kanila.

Pak!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …