Sunday , December 22 2024

Mison inasunto na naman (Bagong kaso sa Ombudsman)

KASUNOD ng kahilingan ng ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa kanyang pagbibitiw sa puwesto, sanhi ng sinasabing mga iregularidad sa kanyang tanggapan, nahaharap na naman si Immigration commissioner Siegfred Mison sa isa pang criminal complaint sa Ombudsman na isinampa ni BI intelligence chief Atty. Faizal Hussin nitong Hunyo 11 (2015).

Sa kanyang reklamo, nagbigay ng impormasyon si Hussin sa Ombudsman ukol sa paglabag ni Mison sa Section 3 (a) at (e) ng Republic Act 3019 kaugnay ng Section 284 ng Government Accounting Rules and Regulations (GARR) sa pamamagitan ng patuloy na pagtanggap ng overtime pay at mga bonus mula sa Express Lane Trust Fund na nakalaaan lamang para sa mga empleyado ng nasabing ahensiya.

Ayon sa immigration intelligence chief, si Mison, bilang chief executive officer ng bureau, ay hindi entitled sa overtime pay sa ilalim ng Sec. 284 ng GARR, na nagsasabing ang pagbabayad ng overtime service… ay hindi maaaring ipagkaloob sa mga opisyal na umuokupa ng mga posisyong nakalista (sa ilalim ng batas), na kinabibilangan ng department secretary, undersecretary, assistant secretary, bureau at regional direktor, at iba pa.

“Kahit alam niya ang nasabing rule, si Commissioner Mison, isang abogado, sa pagkakaupo bilang commissioner ay tumatanggap ng overtime pay na hindi bababa sa P75,000 kada buwan, bukod sa mga bonus at iba pang mga emolument na mandato lamang para sa BI rank and file employees,” punto ni Hussin sa kanyang complaint affidavit.

Idinagdag ng immigration official na “ang ginagawa ni Mison na pagkakaaloob sa kanyang sarili ng overtime pay ay naging posible lang sa pamamagitan ng pag-impluwensiya sa isa pang public officer (ang hepe ng BI financial management division at mga mabababang opsiyal) na magsagawa ng aksyon… malinaw na lumalabag sa mga alituntunin at regulasyon na isinabatas ng competent authority.”

Sinabi ni Hussin, bawat pagtanggap ni Mison ng overtime pay, nagreresulta sa pagkakait ng mga benepisyo na dapat sana’y matatanggap ng mga BI rank and file employee mula sa kanilang Express Trust Fund.

Bago sa reklamo ng intelligence chief, hiniling ng mga empleyado ng bureau ang agarang pagbibitiw ni Mison dahil sa umano’y pagkakasangkot sa suhulan para sa Liberal Party (LP) at usapin ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at iba pang kontrobersiya na nakasira sa kredibilidad ng BI bilang isang institusyon ng pamahalaan.

Binanggit ng mga empleyado kung paano naglaho ang moral ascendancy ni Mison noong nanunungkulan siya bilang chairman ng discipline board nang i-reprimand ng Ombudsman dahil sa kasong isinampa ni Immigration administrative division chief Felino Quirante na nag-akusa na nag-padding si Mison ng aktuwal na konsumo ng diesel sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga resibo para sa ibang mga sasakyan.

Sa isa pang reklamo, kinasuhan din ni intelligence officer Ricardo Cabochan si Mison at lima pang opisyal ng bureau, kabilang ang warden ng BI Detention Facility sa Bicutan, sa paglabag ng Republic Act 6713, o mas kilala bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers and Employees. Naka-saad sa reklamo ni Cabochan na lumabag sina Mison at ang kanyang co-accused sa RA 3019, partikular ang Sections 3(a), (e), (h) at (j) at iba pang mga probisyon at gayon din ang ilang bahagi ng Revised Penal Code sa ilalim ng Article 223 o 224 na may kaugnayan sa infidelity of custody of prisoners. Nag-ugat ang reklamo ni Cabochan mula sa sinasabing iregularidad na nanguna si Mison sa biglang pagpapalaya at paglaho ng China national na si Fu Gaofeng, naunang inaresto dahil napaulat na nagtatrabaho sa Filipinas nang walang kaukulang working visa o permit.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *