NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi .
ANO ba ‘yan at naglalabasan na ang mga taong nagsasabing sila ang magulang ng mabunying babae sa Senado, si Senadora Grace Poe. Kapal naman ng mga fez, na kuno si ganoong mama ang totoong ama pero ibinigay o ipinaampon ng kalalabas palang sa sinapupunan ng ina.
Na ang ina raw ni Madam Grace ay si ganoon, na ipinaampon ang bata sa ganoon at siya namang ipinaampon kay Da King Fernando Poe Jr.. Ngayon na feel ninyo na si Sen. Grace ay posibleng maging Pangulo ng Pilipinas, naglabasan na ang mga taong nagsasabing sila ang komadronang nagpa-anak sa ina ni Senadora Grace, na ipina-ampon kuno ang sanggol pero ipinaampon muli kay FPJ.
Grabe! Kilabutan kayo! Teka, may mensahe si Lord Jesus kay Sen. Grace na siya ang sugo sa Pilipinas para siya ang mamahala as Pangulo-Presidente at siyang totoong mag-aakay sa mga kababayang Pinoy sa pagtahak sa tuwid na landas. Kahit sino pang Ponso Pilato ang mag-sabing sila ang magulang ni Sen. Grace, sina FPJ at Susan Roces pa rin ang legitimate parents at wala ng iba pa! Uwe!