HOT, AW! – Ronnie Carrasco III .
OKEY sa olrayt pala kapag iginuest si Mara Lopez sa mga show sa TV. Da who si Mara? She’s the daughter of former Binibining Pilipinas-Universe Maria Isabel Lopez na tumatak lang ang pangalan sa ating kamalayan when she joinedSurvivor Philippines a few years back.
Kuwento ito ng production staff ng isang TV show na panauhin nila si Mara for its cooking segment.
Ang siste, based on Mara’s dip recipe ay kinailangan ng dalawang klase ng nuts: cashew and almond. Naiprodyus naman ng staff ang required ingredients na bago gawing dip ay kailangan munang gilingin.
When ground, eto na raw ang Mara, nagre-request ng dalawang plastic container. Pero hindi na raw ‘yon bahagi ng segment.
Sa dalawang plastic container pala niya isisilid at iuuwi ang dip made from separate ground nuts. The staff had to produce the plastic containers.
Kaso, maliit lang ang mga lalagyang naiprodyus ng staff. Ani Mara, maghanap daw ito ng mas malaking container.
Eksaktong nakasalubong ng executive producer ang staff, ”O, bakit aligaga ka?”Roon na sinabi ng staff na nagpapahanap si Mara ng mas malaking container para pagsidlan ng ite-take home na dip.
“Ah, hindi!” buwelta ng EP, ”Budget ng show ‘yan, may TF na tayong ibinigay sa kanya!”
Moments later, nang makita ni Mara ang inutusang staff at kinulit tungkol sa hinihingi niyang plastic container ay nagdayalog ito, ”O, nasaan na?” Sagot ng staff,”Pasensiya na po, Ms. Mara, bawal po kayo mag-uwi.”
Ang desmayadong Mara, tumalikod na lang daw.
Poe-Escudero tandem sa 2016, tiyak na!
KOMPIRMADO: POE-Escudero sa 2016 elections!
Ayon sa aming mapagkakatiwalaang source, ang tambalang ito na babangga sa presidential candidacy nina VP Jejomar Binay at DILG Secretary Mar Roxas—kung sinuman ang kanilang magiging respective runningmates—ang posibleng ianunsiyo in the days, weeks or months to come.
Lest we forget, sa Oktubre na ang itinakdang pagpa-file ng mga CoC’s (Certificates of Candidacy) ng mga nagnanais tumakbo para sa mga pambansang puwesto.
Ang nasabing tandem nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero, ayon pa rin sa aming source, ay hindi aanib sa Liberal Party, much less under the United Nationalist Alliance (UNA) na minamanok nga nito si Binay.
Our source, closely identified with the either senator, welcomes what she describes as a “refreshing partnership between two young and idealistic public servants whose respective track records are both unblemished.”
Sa madaling salita, ang imahe raw nina Grace at Chiz ay hindi batbat ng mga usapin tungkol sa pangungurakot.
Dagdag pang impormasyon ng aming source, ”I believe it’s about time this country produced a new blood of public servants.” Kasabay nito ay ang panawagan din ni Senator Miriam Defensor-Santiago na huwag naman daw sanang isang idiota ang tumakbong Pangulo sa darating na eleksiyon.
Among the Senators, one of Santiago’s closest colleagues ay si Chiz. Sa katunayan, hindi nga ba’t ang feisty solon pa nga ang nagsilbing tulay sa relasyon nina Chiz at Heart Evangelista?
As to the identity ng aming source who requested anonymity, nasa artikulong ito ang kanyang pagkakakilanlan.