DAHIL kumalat na sa social media at print, tiyak ngayon pa lang ay marami na ang nakaabang sa major concert nina Erik Santos at Angeline Quinto sa August 15 na gaganapin sa Araneta Coliseum. Magandang idea na pagsamahin ang dalawa sa isang concert bilang sila ang tinaguriang King and Queen of Themesongs of this generation. It’s high time na magkaroon nang malaking concert sina Erick at Angeline bilang sila ang boses sa likod ng mga hit movies at teleseryes.
Royalty na ngang matatawag sina Angeline at Erik dahil bukod sa hari at reyna ng themesongs, pareho rin silang champion sa singing search na kanilang sinalihan. Si Erik bilang kauna-unahang champion ng Star The In A Million year 2003 while si Angeline naman ang kauna-unahang Star Power year 2O11.
Ang balita namin, it will be a different and unforgettable musical experience dahil sa konseptong gagawin sa show na first time lang gagawin ng rumored sweethearts. Malaking concert event ito hindi lamang para kina Erik at Angeline at ng kanilang mga tagahanga, kundi pati na rin ang mga sumubaybay sa mga teleserye at pelikula na ang boses nila ang ginamit sa themesong. Very personal kina Erik at Angeline ang concert na ito dahil ang kani-kanilang idolo ang magiging special guests nila. Ang Concert King na si Martin Nievera at Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Ang Erik Santos and Angeline Quinto At The Araneta ay prodyus ng Cornerstone Productions. No less than Johnny Manahan will direct the concert. Mabibili na ang ticket sa halagang P5,300 (VVIP), P3,710 (VIP), P3,180 (PATRON), P2,120 (Box Premium), P1,0650 (Box Regular),P850 (UPPER BOX) at P425 sa General Admission. Para makabili ay tawag na Ticketnet at 911.5555.
This is really an exciting event gyud!
KA-VOICE, ISA SA MGA NAKAAALIW NA DAILY SEGMENT SA EAT BULAGA
Araw-araw ay dalawang contestant mula sa iba’t ibang Barangay ang nagpapasiklaban ng kanilang boses sa panggagaya ng mga sikat na personalidad sa radyo, telebisyon, singer at mga artista sa pelikula.
Siyempre mas malaki ang tsansa ng kalahok na plakadong-plakado ang boses dahil siya naman talaga ang hinahanap sa nasabing pinag-uusapan at kakaibang talent search sa Eat Bulaga na ang mananalo ay puwedeng makatanggap ng malaking cash prize to the tune of 15 K. Hindi rin naman siyempre uuwing luhaan ang matatalo dahil pagkakalooban siya ng consolation prize.
Sina Bossing Vic Sotto, Tito Sen, Joey de Leon, Jimmy Santos at Allan K ang mga tumatayong hurado rito na makatotohanan magbigay ng kanilang mga komentong binibitiwan sa mga medyo nagugustuhan at nagugustuhang 100 percent na kalahok. Paboritong gayahin sa Ka-Voice ang institusyon na sa mundo ng radyo na si Rey Langit at kuhang-kuha nila ang boses ni Tito Rey na natutuwa at pinapanood pala ang nasabing segment.
Ilan sa mga napanood na ginaya ng mga Dabarkads sa Ka-Voice ay sina Mike Enriquez, Jimmy Santos, Ted Failon, Diego ng Bubble Gang, Papa Jack, Gus Abelgas. Kris Aquino, Boy Abunda, Manny Pacquiao at marami pang iba kabilang na rito si late Elvis Presley.
VONGGANG CHIKKA! – Peter Ledesma