Monday , December 23 2024

Ilang pamilya ng Kentex fire victims umareglo sa P.1-M

KINOMPIRMA ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, tatlo hanggang apat sa mga pamilya ng 72 namatay sa sunog, ang tinanggap ang alok ng Kentex Manufacturing Corp. na makipag-areglo na lamang sa halagang P100,000.

Kapalit ito nang hindi na paghahabla. Hindi aniya taga-Valenzuela ang mga nakipag-areglo at pagod na sa paghahabol sa kaso.

Habang ang ibang pamilya ay tuloy pa rin ang kaso laban sa may-ari ng factory.

Kaugnay nito, nagtipon-tipon kahapon ang pamilya ng 72 factory workers na namatay sa sunog sa pagawaan ng tsinelas sa Brgy. Ugong sa Valenzuela City upang gunitain ang isang buwan makalipas ang trahedya.

Nagkita-kita sila malapit sa pinangyarihan ng sunog upang manawagan ng hustiya sa kanilang mga pamilya.

Karamihan sa kanila ay may dalang streamers. Habang ang iba ay emosyonal pa rin sa pangyayari.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *