Sunday , December 22 2024

Girian vs China idinaan ng PH sa social media

DINALA ng administrasyong Aquino sa social media ang pakikipaggirian sa China kaugnay sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Hinimok kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang publiko na panoorin at i-share ang video na pinamagatang “Kalayaan: Karapatan  sa  Karagatan”  upang lubos na maunawaan ang usapin hinggil sa West Philippine Sea.

Maaari aniyang matunghayan ito sa Facebook page ni Pangulong Benigno Aquino III Aquino na nakapaloob sa president.gov.ph.

Ipinaliliwanag sa nasabing video ang pinagmulan ng usapin at kung paano nakaaapekto ito sa kabuhayan ng mga Filipino at sa integridad ng karagatan at likas na yamang dagat ng ating bansa.

Ang unang bahagi ng tatlong yugtong dokumentaryo ay unang ipinalabas noong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, upang palaganapin ang kahalagahan na tayong mga Filipino ay dapat manindigan para sa ating karapatan sa karagatan. Ang dokumentaryong ito ay isinagawa sa pamamagitan ng koordinasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *