Monday , December 23 2024

CCTV sa brgy makikita sa cellphone

BILANG tugon sa iba’t ibang uri ng krimen sa lungsod ng Maynila, may bagong application na maaaring gamitin upang ma-monitor ang nangyayari sa mga barangay kahit nasa malayong lugar.

Sa rami ng gumagamit ng cellphones, maaari nang makita ang mga kaganapan sa mga barangay na nakukuhaan ng Closed Circuit Television, kaya maaaring ma-monitor ng barangay officials ang kanilang nasasakupan kahit sila ay nasa malayo.

Ayon kay Brgy. Chairwoman Neri Mendez ng Bgy. 131, maaaring makita ng mga barangay chairman ang nangyayari sa kanilang lugar at nasasakupan sa pamamagitan ng  CCTV kahit sila ay nagsasagawa ng roving.

Sinabi ni Neri, sa  bagong sistema, kailangan lamang na magparehistro sa tipilink ang mga barangay na may CCTV. Maging sa cellphones aniya ay maaaring ma-monitor ang mga barangay.

Paliwanag ni Neri, malaking tulong ito sa lungsod ng Maynila at maging sa kapulisan na maresolba ang tambak-tambak na krimen.

Samantala, nagbigay ng medical assistance, wheel chair at libreng pagpapalibing si dating Brgy. Chairman at Manila South Cemetery Director Raffy Mendez.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *