Sunday , December 22 2024

Araw ng Kalayaan sinabayan ng protesta

 

061315 araw ng kalayaan rali protest
SINABAYAN ng kilos-protesta ng iba’t ibang militanteng grupo ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, sa harap ng US Embassy at nanawagan sa Amerika na huwag lumahok sa hidwaan ng Filipinas at China upang maiwasan ang umiigting na tensiyon na posibleng humantong sa digmaan. (BONG SON)

SINABAYAN ng iba’t ibang grupo ng protesta ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon.

Una na rito ang grupong Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberenya (PINAS) na sumugod sa Chinese Embassy sa EDSA-Buendia para kondenahin ang aktibidad ng Tsina sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Nagtipon din ang grupo sa harapan ng United States Embassy para ipanawagang huwag nang lumahok ang Amerika sa hidwaan upang maiwasang umigting ang tensyon at mauwi ito sa digmaan.

Tinutulan din ng PINAS ang Visiting Forces Agreement (VFA) na kinokonsidera ng Filipinas at Japan para mapalakas ang pagbabantay sa West Philippine Sea.

Kasabay nito, binulabog din ng hiwalay na grupo ng mga raliyista ang talumpati ni Camarines Sur. Rep. Leni Robredo na nanguna sa pagdiriwang ng Independence Day sa Kawit, Cavite.

Dinala na sa presinto ang 10 militanteng nagsisigaw sa pagsisimula ng talumpati ng kongresista para igiit na patalsikin si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa huwad na kalayaan sa bansa.

Hindi natinag si Robredo sa kanyang talumpating tumutok sa kontribusyon ni Heneral Emilio Aguinaldo sa kasarinlan ng bansa.

Habang nagkaisa ang iba’t ibang grupo sa Occidental Mindoro sa pagtutol sa pagmimina sa libo-libong ektarya ng water shed area at ancestral domain sa lalawigan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *