Sunday , December 22 2024

P225-M shabu nasabat sa intsik  at pinay (Sa Quezon City)

UMAABOT sa halagang P225 milyong shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Quezon City Police District–District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) sa isang Chinese national at kasamang Filipina sa buy-bust operation kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay Chief  Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD Director, kinilala ang mga nadakip na sina Garry Go, tubong China, at Sheralyn Borromeo, kapwa pangsamantalang nakatira sa San Fernando, Pampanga.

Sa nakuhang driver’s license kay Go, ang nakarehistrong pangalan niya sa Land Transportation Office ay Edgar Yu. Inaalam pa ng pulisya kung ano ang tunay na pangalan ni Go.

Ayon kay Chief  Insp. Roberto Razon, hepe ng DAID, nadakip ang da-lawa sa kanto ng Bulacan St., at West Avenue, Brgy. Phil-Am, Quezon City dakong 6:30 a.m.

Nauna rito, ipinaalam ni Razon kay Pagdilao na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidad ni Go na nagbabagsak ng shabu sa Quezon City kaya agad iniutos ng heneral na su-baybayan ang suspek.

Nang magpositibo, sa tulong ng isang asset, nagpanggap na buyer ang isang tauhan ni Razon.

Kahapon, nang mag-abutan ng limang kilong shabu, agad dinamba ng tropa ni Razon ang suspek kasama si Borromeo na nasa loob ng sasakyan.

Nang inspeksyonin ang dalang sasakyan nina Go at Borromeo, tatlong malalaking bag ang nakita sa loob at sa compartment.

Nang buksan, tumambad kina Razon ang kilo-kilo pang shabu na umabot sa 40 kilos.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *