Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot pinatay, sinunog ng live-in partner

PINATAY sa sakal ang isang babae ng kanyang kinakasama at sinunog ang kanyang bangkay sa gitna ng bukirin sa Brgy. Catacte, Bustos, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng kanyang mga kamag-anak sa pamamagitan ng suot na underwear ang biktimang si Aprilyn Estrella, 27, ng Brgy. Malawak sa nasabing bayan.

Habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Joselito Bregino, pahinante sa isang pabrika at nakatira rin sa nasabing barangay.

Sa ulat mula kay Chief Insp. Florencio Morales, hepe ng Bustos police, natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima dakong 6:45 p.m.

Nabatid na inaapula ng may-ari ng lupa ang apoy sa kanyang palayan nang makita ang bangkay ng biktima na kasamang nasusunog sa bunton ng dayami.

Batay sa ulat, huling namataang buhay ang biktima habang nakaangkas sa motorsiklo ng suspek. Nag-text pa ang biktima sa kaibigang babae na mamamasyal sila sa hindi nabatid na lugar.

Pagkaraan ay iniha-yag sa pulisya ng kasamahan sa trabaho ni Bre-gino na si Raymundo Precincula na inamin sa kanya ng suspek na pinatay niya ang biktima at sinunog sa palayan.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya upang maaresto ang suspek at matukoy ang motibo sa pagpatay sa kanyang live-in partner.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …