Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BBL nabinbin sa Kongreso (‘Di naihabol sa deadline)

NABIGO ang Kongreso na maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pagtatapos ng sesyon nitong Miyerkoles. 

Nagsara ang pagdinig kamakalawa nang hindi pa rin natutuldukan ang interpellations at debateng magbibigay-daan sa pag-amyenda sa BBL. 

Inihayag ni House Speaker Sonny Belmonte na ipagpapatuloy nila ang paghimay sa panukala sa muling pagbubukas ng sesyon sa Hulyo. 

Setyembre o Oktubre ang bagong target ng Kamara na maipasa ang BBL makaraan itong hindi umabot sa naunang layong Hunyo 11. 

Umaasa si Belmonte na hindi maaantala ang pagtalakay sa BBL sa pagsisimula ng deli-berasyon para sa panu-kalang 2016 national budget. 

Samantala, inilahad ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, dapat nang tanggapin ng Malacañang na mahigit isang buwan na maiiwang nakabinbin ang panukala para sa pagtatag ng Bangsamoro Region. 

Idiniin din ni Colmenares na magiging mabusisi ang pagrepaso sa BBL habang hini-kayat niya ang mga kapwa kongresista na timbanging mabuti ang kanilang pagboto sa panukala. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …