Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, ‘di na ubra kay Jen dahil kay Dennis

061115 Jennylyn Mercado dennis sam milby

00 fact sheet reggeeJETSETTER talaga si Sam Milby dahil ginawang Cubao ang Amerika kasama ang manager niyang si Erickson Raymundo.

Umalis noong Biyernes ng gabi ang dalawa patungong Vallejo, California para sa Pista Sa Nayon Sama Saya Celebration handog ng TFC Philippine Cultural Committee base na rin sa kahilingan ng TFC subscribers.

Sa post ng manager ni Sam na si Erickson ay maraming taong nakisaya sa singer/actor at talagang dinumog siya.

Isang araw pagkatapos ng show ay bumalik ng Pilipinas sina Sam at Erickson para sa isang commitment dito sa Pilipinas at mulis aalis ngayong linggo patungong Taiwan para sa isang show ulit.

Masaya ang aktor dahil maski hindi siya aktibo sa telebisyon ay marami naman siyang out of the country shows at next week ay nasa Chicago, Illinois kasama naman si Geneva Cruz.

Samantala, sa last week of June raw ang shooting nina Sam at Jennylyn Mercado sa New York City, USA para sa pelikulang Pre-Nup na ididirehe ni Jun Lana.

Maging ang teleseryeng dapat umpisahan na ni Sam ngayong Hulyo ay naurong daw ng Agosto dahil ang mga makakasama ng aktor ay hindi pa rin handa sa kaliwa’t kanang commitments.

Anyway, mukhang hindi pa magkaka-girlfriend ngayong taon si Sam dahil busy siya at dahil crush niya si Jen ay malabong mauwi ito sa seryosong usapan dahil balitang nagkabalikan na ang aktres at ang ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …