IPINATAWAG ni Justice Secretary Leila de Lima si Bureau of Immigration Chief Siegfred Mison kaugnay sa sinasabing pagbibigay ng payola ng Chinese fugitive na si Wang Bo upang hindi mai-deport sa kanilang bansa.
Sinasabing sinabon ni De Lima si Mison kaugnay sa isyu na mariing itinanggi ng BI chief.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Mison na bumuo ng karagdagang dibisyon sa kawanihan para hindi na maulit ang kontrobersiya katulad ng deportasyon kay Wang.
Ayon kay Mison, iminungkahi niya ang pagbubuo ng visas and permits division upang mabawasan ang dami ng mga inaasikso ng legal division at matutukan nang husto ang mga kontrobersiyal na isyu at iba pang usaping kailangan ng legal application.
Sinabi ni De Lima, hihintayin niyang maisumite sa kanya ang draft resolution kaugnay sa reorganization ng BI para mapag-aralan ang mga pagbabagong ipatutupad upang hindi na mangyari ang katulad na isyu sa deportasyon ng Chinese crime lord.
Rose Novenario