Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, tatakbo na ng US pagkatapos ng term ni PNoy

 

032715 kris aquino pnoy

00 fact sheet reggeeUSAPAN ngayon sa social media at pahayagan ang sinabi ni Kris Aquino sa Kris TV na maninirahan silang mag-iina sa Amerika para raw maranasan ng mga anak niya ang pamumuhay doon.

Nagkaroon pa nga ng pustahan kung itutuloy o hindi ng TV host/actress ang plano niyang mawala sa showbiz ng isang taon.

Nabanggit ni Kris sa kaibigang Karla Estrada na co-host niya sa Kris TV na, “wala na ako rito next year, mare. I will live in America for a year.”

Base sa pagkakatanda namin ay nabanggit na ito minsan ni Kris na kapag bumaba na sa puwesto ang kuya niyang si Presidente Noynoy Aquino sa 2016 ay aalis sila ng bansa para samahan ang kuya niya.

Pero ang ibinigay na katwiran ni Kris kay Karla kaya siya aalis ng bansa para manirahan sa America, “gusto ko talaga tumira sa America for one year para ma-experience ni Bimb.

“Kasi sinabi ko sa kanya na feeling ko mas naging well-rounded akong individual kasi nag-aral ako abroad.

“Tapos natuto ako lahat ng gawain for myself. Hello, nagugulat nga kayo ang galing kong mag-washing machine.

“Tapos kapag after three months, hindi na kaya, umuwi na.”

Hirit naman ni Karla, “hindi mo kakayanin, mare. I’m telling you.”

Ganting sagot naman ni Kris, “kinaya ko kaya rati and those were the happiest years of my life.”

Kaya tinanong din namin si Kris tungkol sa pahayag niya kung seryoso ba siya o hindi na iwan ang showbiz.

At base sa paliwanag ni Kris ay gusto niyang maging independent ang mga anak, lalo na si Bimby.

“We talked about that because I was 9 years old when we lived in the US and it really helped me become more independent and masipag.

“Pero iba ‘yung circumstances and I want to actually study (meaning audit courses) in Philippine History and World History.

“So, I was telling my staff baka sabayan ko si Bimb sa pag-aaral.

“Kasi nag-aral ako before to give my mom the diploma she asked for but already knew what career I wanted.

“Now, I want to study to really LEARN,” mensahe ni Kris sa amin habang nasa Japan pa sila.

Tinanong namin na kung isang taon nga niyang iiwan ang showbiz, paano ang kontrata niya sa ABS-CBN, papayagan ba siya ng network na mag-leave?

“Regg, contract with ABS-CBN expires January 15, 2016,” sabi sa amin.

Sabi namin na puwede nga siyang mawala, kaya lang paano naman ang mga staff niyang umaasa sa kanya katulad ng Kris TV dahil tanda namin kaya hindi niya totally iniwan noon ang telebisyon dahil naawa siya sa mga staff na mawawalan ng trabaho.

At ang sagot sa amin, “so much can still happen in 6 months, please don’t pressure me and let me enjoy our last day of vacation.”

He, he, he, oo nga naman, humingi na kami ng dispensa dahil kinukulit namin si Kris at sinabi namin na in case nga na matuloy siya sa Amerika sana ay makilala na niya si Mr. Right para naman mas masaya na siya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …