Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enrique, pang-matinee idol look talaga!

HATAWAN – Ed de Leon

050515 enrique gil

NAPAGKUKUWENTUHAN nga namin ang mga matinee idol noong press conference ng Just the Way You Are at nasabi naming ang leading man ng pelikulang iyon, si Enrique Gil ang talagang mukhang matinee idol. Sa ngayon kasi parang bihira sa mga male star ang may ganoong personality. Kung sabihin nga nila, karamihan sa mga nagiging leading men ay puro “plain looking”. Pero pag-aralan ninyo ang hitsura ng mga matinee idol noong nakaraang panahon at masasabi ninyong iyong mga kagaya nga ni Enrique ang sumikat.

Hindi na nga siguro si Enrique iyong dapat na ihanay sa mga youngstar, pabayaan na nila ng sobrang sikat na si Daniel Padilla roon. Mahirap na siyang tapatan doon. Pero maaaring maibigay kay Enrique ang mga medyo matured matinee idol roles, kagaya nga niyang Just The Way You Are.

Actually sa ganoong level nagkakaroon ng vacuum eh. Doon sa ganoong age bracket kulang ang leading men. Ang daming leading ladies eh, mga artistang lalaki ang kulang. Kasi iyong susunod na level, iyon na ang mga matured role, kuha na iyan ni Richard Gomez. Iyong pagitan nina Goma at Daniel, iyon ang wala at siguro nga roon dapat pumasok si Enrique.

Nakita naman natin ang naging suporta sa kanya ng fans. Naging mataas ang ratings ng katatapos niyang serye sa telebisyon at hindi iyon natigatig hanggang sa matapos ng sinasabi nilang malakas na nakatapat noon. Ibig sabihin lang niyon, nagkaroon agad ng fan base ang kanilang tambalan ni Liza Soberano.

Palagay namin, kung talaga lang mailalagay sa ayos ang mga proyektong kanyang gagawin, at talagang magkakaroon ng mga magagandang follow up ang kanilang mga proyekto, mayroon na naman silang isang box office matinee idol.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …