HARDTALK – Pilar Mateo .
A bridge falling down?
Umiigting na nga ang takbo ng istorya sa Bridges of Love sa nag-krus ng landas ng magkapatid na nagkahiwalay na sina Gael (Jericho Rosales) at Carlos (Paulo Avelino) sa mga eksena nila gabi-gabi.
Isang babae, si Mia (Maja Salvador) ang siya ring “link” na namamagitan sa makapatid. Na siya rin kayang papatid sa kanilang ugnayan as their story unfolds?
Hindi binibitiwan ng mga naging suki na ng teleserye ng kinakikiligang love story nina Carlos at Mia. At hinihintay din ang magiging banggaan at confrotation ng magkapatid na iisang maliit na mundo na sa iniikutan sa kasalukuyan. At ang sari-saring kulay ng mga tao sa palibot nila gaya ni Alexa (Carmina Villarroel), Lorenzo (Edu Manzano), Camille (Antoinette Taus), Lito Pimentel (Manuel Nakpil), Mureen Mauricio (Marilen Nakpil), Janus del Prado (Muloy) at ang nagsasalimbayang pasok ng sari-saring katauhan.
Where will the bridges merge and turn? Guguho kaya ito?
Happy naman si Maja dahil sa trending at rating ng palabas na pumawi sa lungkot sa buhay niya. Alam niyo na!