Friday , November 15 2024

Binay ‘di manok ni PNoy sa 2016

BAGSAK sa pamantayan ni Pangulong Benigno Aquino III ang kwalipikasyon ni Vice President Jejomar Binay para iendoso bilang presidential bet sa 2016 elections.

Ito ang ipinahiwatig ng Palasyo kahapon kasunod ng pahayag ni Binay na umaasa pa rin siya na ikonsidera ng Pangulo sa pagka-presidente sa 2016 polls.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nabanggit na ni Pangulong Aquino ang mga katangiang hinahanap niya para iendoso sa darating na halalan.

Nais umano ng Presidente na ang pipiliin niya ay mayroong commitment na ituloy ang mga nasimulan niyang reporma sa tuwid na daan.

Si Binay ay nahaharap sa mga kasong pandarambong kaugnay sa mga maanomalyang proyekto sa Makati City.

Giit ni Lacierda, hintayin na lamang ang magiging anunsiyo ni Pangulong Aquino pagkatapos ng kanyang huling state of the nation address (SONA) sa Hulyo.

Rose Novenario

VP BINAY walang kung, walang pero (Kahit makulong)

WALANG kung at walang pero para kay Bise Presidente Jejomar Binay sa kanyang determinasyong tumakbo para sa pagkapangulo sa halalan sa susunod na taon sa Mayo.

Sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Luneta Hotel, sinabi ng bise presidente na nakatuon siya ngayon sa kanyang pagnanais na makapagsilbi sa sambayanan sa kabila ng ‘sako-sakong’ pagbabatikos na ibinabato sa kanya ng kanyang mga kritiko.

“Simula nang nasa public office ako, naharap na ako sa kahalintulad na mga problema ngunit hindi ako natitinag na ipagpatuloy ang aking nasimulan,” aniya.

Ikinalulungkot umano ni Binay na sa kanyang paniniwala ay ang maling pananaw ng karamihan  ng Pilipinong matakot sa pagbabago at inobasyon.

“Karamihan sa atin ay takot sa innovation kaya hindi natin nagagawang maresolba ang ating mga problema sa pinakamainam na paraan. Katulad ito nang simulan ko ang burial assistance at kinasuhan ako sa Ombudsman dahil dito,” kanyang pinunto.

Bilang reaksyon, isinalaysay ni VP ang pagtatanong niya sa Ombudsman kung ang basehan ng sinampang kaso laban sa kanya.

Tumugon aniya ang Ombudsman na nabatay ang kaso sa kanyang ginawa na wala sa batas; kaya nagtanong muli si Binay kung ang ginawa rin ba raw niya’y ipinagbabawal ng batas.

Sa nasabing maikling anekdota, inihayag ng pangalawang pangulo ang magiging polisiya niya kung siya ay mananalo sa susunod na taon.

“Kung ano ang ginawa ko sa Makati ay siya ring gagawin ko sa buong bansa. Magsasagawa tayo ng mga inobasyon na makatutulong sa ating bansa at ating mga kababayan na makamit ang nararapat—isang uri ng gobyernong para sa tao at tunay na demokrasya,” pagtatapos niya.

Dalawang 4-year term ng presidente ibinasura ni PNoy (Panukala ni Binay)

HINDI pabor si Pangulong Benigno Aquino III sa hirit ni Vice President Jejomar Binay na amyendahan ang Saligang Batas at magkaroon ng dalawang 4-year term ang presidente ng bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, naninindigan si Pangulong Aquino na sapat na ang isang termino para manilbihan ang pangulo ng Filipinas.

“The logic in a single-term presidency is that the President can focus on all that needs to be done within the six-year term,” ani Lacierda.

Magkaiba rin aniya ang posisyon ni Pangulong Aquino kay Binay kaugnay sa isyu ng agawan sa teritoryo ng Filipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

Inihayag ni Binay na dapat ay maging bukas ang Filipinas sa panukalang bilateral talks ng China habang si Pangulong Aquino ay ayaw ito at nagmamatigas sa multilateral approach sa usapin.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *