Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Starstruck, ‘di pa rin maumpisahan, wala pa rin kasing nag-a-audition

 

UNCUT – Alex Brosas . 

051215 GMA

HAY naku, mukhang hindi na makaaalagwa ang Starstruck ng Siete. Malakas ang bulong-bulungan sa showbiz na naurong ang airing date nito. Ayaw namang i-reveal ng kampo ni Angel Javier kung bakit kasi nga nakahihiya ang rason.

Ang chika kasing nasagap naming mula sa isang reliable source, walang masyadong nag-audition para sa StarStruck, kung mayroon man ay puro chaka at hindi artistahin.

In desperation nga raw, pati GMA Artist Center talents na hindi masyadong kilala ay pinag-audition na rin nila at iprinisinta sa mga bossing ng Siete pero waley pa rin, ang dami pa ring hindi nakapasa.

Ngayon, kung walang masyadong nag-audition, ano ang ipakikita mo sa TV?

Nagtawag na nga raw sila sa mga talent manager para mag-field ng kanilang talents dahil halos walang nakapasa sa panlasa ng TV executives. Ganyan kalala ang sitwasyon sa reality show na nagpasikat kina Jennylyn Mercado ang company.

Nagtatawanan nga raw ang mga talent manager dahil kulit ng kulit ang staff ng Siete para magpadala sila ng mga alaga nila sa audition.

Ang chika, uunahin munang ipalabas ng Siete ang reality search nila sa mga boyband.

Hello! Hindi nga nila napasikat ang mga winner ng reality search nila for music tapos mag-a-attempt pa silang magpasikat ng boyband. Ano sila, hilo?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …