ANG Wala Man Sa ‘yo Ang Lahat na originally ay kinanta at kinompose ni Myrus, ay personal na pinili at isinama ni Kim Chiu sa kanyang bagong Chinita Princess album under Star Music. Bagama’t hindi ito ang naging carrier single ng naturang album, lubos ang pasasalamat ni Myrus kay Kim dahil sa ginagawa nitong pag-acknowledged sa kanya.
Sa katunayan, sa ginanap na album promo ng Kapamilya aktres sa isang mall sa Bulacan kamakailan, personal ni-yang inimbitahan si Myrus para makipag-duet sa kanya. Kaya naman sobrang natuwa ang guwapong singer/composer.
“I really admire Kim for being such a kind, humble and genuine person. Ibang klase ang pag-acknowledge niya sa akin and I wanna thank her for that. She is such a blessing to me, kaya sabi ko nga gagawa ako ng mara-ming kanta for her,” pahayag ni Myrus.
Hindi raw maipaliwanag ni Myrus ang nararamdaman habang ka-duet si Kim, “Habang kumakanta kami together, para akong nasa ulap. Salamat talaga sa Diyos!”
Sa ngayon ay busy pa rin ang singer/composer sa kanyang upcoming shows at paggawa ng mga kantang nakapagpapagaan ng pakiramdam. Para sa mga makakarinig ng Wala Man Sa ‘yo Ang Lahat, damhin at pakinggan ang kantang ito, maging version man ni Kim o Myrus, na itinuturing bilang Sentimental Pop Prince.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio