LEGAZPI CITY – Hinihintay na lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang resulta ng imbestigasyon ng PNP makaraan maaresto ang isa sa kanilang prison guard na nahulihan ng baril at droga sa Albay.
Ayon kay PDEA Deputy Regional Dir. Rayford Yap, nakakulong na ang kanilang kasama na si George Barizo kasama ang tatlong iba pa nang maaktohan sa bahay kung saan isinagawa ang search warrant ng Tabaco City Police Station sa Brgy. Sto. Cristo sa na-sabing lungsod.
Nakuha sa mga suspek ang anim plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at caliber 38 revolver.
Ayon kay Dir. Yap, wala silang pagdududa na sangkot sa ilegal na transaksyon ang kanilang tauhan, ngunit magsasagawa rin sila ng hiwalay na imbestigas-yon kaugnay ng insidente. Nahaharap ang prison guard sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o an Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 gayondi ang ang tatlo pang kasama niya.