THE GOSSIPMILLER – Cesar Pambid
ANG saya, saya, it’s been a relaxing and refreshing three days at the Poracay Resort last June 5 to June 7, where the Philippine Movie Press Club had their annual excursion for a bonding and teambuilding exercise.
The grand affair was sponsored by the generous mayor of Porac, Ms. Mylene Cayabyab. PMPC President Joe Barrameda expressed profused thanks to the mayor in behalfof PMPC.
“Lahat ng gastos siya ang sumagot, pagkain, sasakyan, at ‘yung stay natin sa resort ng tatlong araw,”sabi pa ni Joe sa mga opisyales at members ng PMPC.
Bukod sa bonding at teambuilding ipinahayag din ng pamunuan ng PMPC ang mga nanalo sa kanilang annual writing contest. Pinarangalan at binigyan ng plake at cash ang mga nanalong members.
Sa pamamagitan naman ng kanyang representative, nagpadala ng pahayag ang butihing mayor na nagpapasalamat din siya sa PMPC sa pagbibigay halaga sa kanya. “Labis niyang ikinatuwa ang pakikipagkaibigan sa inyong asosasyon. Sana raw sa mga susunod pang events, ‘di ninyo siya makalimutang imbitahin,” sabi pa ng kausap namin.