MA at PA – Rommel Placente .
DAHIL sa seryeng Forevermore ay sumikat ulit ang loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil. Ngayon ay susubukan naman ang tambalan nila via Just The Way You Are.
Ano sa tingin ni Liza ang dahilan at nag-click ang tambalan nila ni Enrique?
“In my case kasi, feeling ko, naramdaman ng tao ang sincerity bilang kami-kami lang, wala kaming makakausap na ibang tao, we get along and we’re just enjoying what we are doing. And people see that. Siguro also, dahil we’re in Baguio, mas naging close kami. Kaya when we do our scenes, comfortable kami,” sabi ni Liza nang makausap namin sa presscon ng Just The Way You Are.
Inamin ni Enrique sa presscon na nag-‘I love you’ na siya ka Liza. Ano ang naramdaman niya nang aminin ni Enrique na mahal siya nito?
“Nakakikilig, nakatutuwa,” nakangiting sabi ng dalaga.
“Pero ano po talaga, time muna. We need time to grow, to grow in this industry. And friendship muna po before anything happens,” giit ng dalaga.