Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jennylyn, nagbukas ng bagong negosyo sa QC

THE GOSSIPMILLER – Cesar Pambid

011015 Jennylyn Mercado

NGAYONG June 10 ang opening/blessing/ribbon cutting ng business ni Jennylyn Mercado na Fit and Form located in T. Gener cor. K3rd St., Kamuning Quezon City.

Ito ay isang 3-storey building na sa ground floor ay showroom ng iba’t ibang brands ng clothing, shoes, make-up and perfume, sa 2nd floor naman ay salon at sa 3rd floor ay nails, face and body spa.

Bale dalawa silang magkasosyo sa negosyong ito, ang isa ay si Christine Riley na tulad ni Jen ay alaga rin ni Becky Aguila.

Nitong mga nakaraang buwan ay naging abala sila sa pag-i-interior at pagde-design ng building at siyempre, punong abala si Tita Becky.

Natutuwa ang manager na talagang nag-mature na si Jen at puro future na ang iniisip nito lalo pa nga’t lumalaki na rin ang anak na si Alex Jazz.

By the way, malapit nang umalis si Jen patungong New York para sa shooting ng Pre-Nup movie nila ni Sam Milby. May bago ring teleseryeng naghihintay sa kanya sa GMA-7 once she gets back.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …