Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, pinagkaguluhan sa Tondo

 

060815 DEREK ramsay

00 fact sheet reggeeNAKAALIS na si Robin Padilla patungong Madrid, Spain noong Hunyo 3, Miyerkoles at hindi niya kasama ang asawang si Mariel Rodriguez na naghatid sa kanya.

Ayon kay Mariel pero hindi pa siya puwedeng umalis dahil busy pa siya sa tapings ng ikalawang season ng Happy Wife Happy Life na kasalukuyang umeere at maganda ang feedback at Happy Truck Ng Bayan na magsisimula na sa Linggo, Hunyo 14.

Kuwento ni Mariel sa amin, “susunod ako kay Robin,” kapag natapos daw niya lahat ang advance tapings niya para sa dalawang programa.

Nagsimula namang mag-taping ng pilot episode ang Happy Truck Ng Bayan noong Sabado (Hunyo 6) at mapapanood ito sa Linggo, Hunyo 14, 12:00-1:00p.m..

Natawa si Mariel nang kumustahin namin ang taping niya sa Tondo, “super init, ha, ha, ha, ha.”

Hindi naman inalintana ng mga artistang kasama sa Happy Truck Ng Bayan sa pangunguna nina Derek Ramsay, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jasmin Curtis Smith, Gelli de Belen, Empoy, Shaira Mae, Mark Neuman, Vin Abrenica, at marami pang iba dahil sobrang warm daw ang mga taga Gagalangin, Tondo.

Kilala naman pala ng mga taga-Gagalangin ang mga artista ng TV5 pero sadyang si Derek ang may pinakamalakas na palakpak sabay hiyawan kaya maaaring sabihin na ang aktor ang pinakasikat ngayon sa Singko.

Ang susunod namang dadalawin ng Happy Truck Ng Bayan ay ang mga taga-San Juan, Metro Manila, handa na ba kayo sa darating na Sabado, Hunyo 13? Kaya sugod na sa plaza mga Kapatid.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …