Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

X-ray examination sa mga China shipment

00 pitik tisoyBOC Commissioner ALBERTO LINA, sir may suggestion lang po tayo, bakit hindi na lang isalang ang mga container van mula China lalo ‘yung ikino-consider na high risk country which is the subject of smuggling?

Kaya nga po napilitan umutang ang BOC ng X-ray machines for the purpose of preventing smuggling sa bawat pantalan ng customs at para na rin makatiyak na walang kontrabandong nakahalo sa kargamento.

Ang X-ray machines ba ay ginagamit kapag may alerted shipments by the BOC Intelligence  and Enforcement Group?

Ano ang kanilang sistema for examination? Hindi naman kaya mas matagal ang physical examination kaysa X-ray examination?

At bakit ang high risk containers from China ay mas madalas na hindi nalalagay sa X-ray examination at karamihan ay tagged as YELLOW or GREEN?

Mukhang iilan lang ang RED tagging for examination?

Ano ba ang PARAMETER na ginagamit of the concern division upang malagay ang isang kargamento o container van under yellow, green or red lane?

Gaya nitong nangyari kamakailan sa MICP, may nahuling mga ASUKAL by the TASK FORCE PANTALAN na naka-tagged under yellow lane na ngayon ay under investigation. Sino ang sisisihin for that mistake?

Minor error nga kaya?

Sino ngayon ang responsable sa kapalpakan na ‘yan, ang customs examiner o appraiser ba?

Kapag Yellow tag kasi ang meaning no need for examination.

Pero kung ito ay naisalang agad for X-ray examination tiyak hindi lulusot . Wala kaya sa selectivity system ang problema? Ayon sa information ang ibang bansa umano ay wala naman selectivity of shipments, ‘e bakit tayo mayroon at may nahuli na ba sila?

Ang tanong ko lang po ‘e bakit hindi rin naisali sa reporma na ginawa ni dating Commissioner Sevilla ang color selection process. Ang informal entry division ay may standing order na 100% examination sa mga kargamento na daraan dito pero marami-rami na rin ang mga nasakote na illegal shipment ang BOC X-ray scanning unit. Bakit hindi na lang isalang ang mga kargamento under formal entry at magkaalaman na kung ano ang talaga ang diperensiya!?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …