Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unfair na ikompara si Jodi kay Eula

HATAWAN – Ed de Leon

060915 jodi sta maria Eula Valdez amor powers

DAHIL na rin sa nature ng aming trabaho, aaminin naming tatlong beses pa lang naming napapanood iyong bagong seryeng Pangako Sa ‘Yo. Pero sa aming panonood nang makailang ulit, kumbinsido kami sa acting na ipinakikita ni Jodi Sta. Maria. Noong araw hindi namin napupuna iyang si Jodi eh. Kahit na roon sa serye niyang Be Careful With My Heart hindi rin naman masasabing todo ang nailalabas niyang acting talents, pero riyan sa Pangako Sa ‘Yo, mukhang mas matindi ang kanyang dating.

Ang paniwala namin, mas napapansin din siya ngayon ng fans sa seryeng iyan. Hindi nga masasabing siya ang talagang bida kagaya ng pinanggalingan niyang serye, dahil may mas malalaking stars na kasama nila sa serye, pero matindi ang kanyang dating dahil sa kanyang role.

Ayaw naming gumawa ng comparison kagaya ng sinasabi ng iba, na ikinukompara siya sa isa pang mahusay na aktres, si Eula Valdez, na gumawa ng role na ginagampanan niya ngayon sa original na teleserye, kasi nga magkaiba naman sila ng panahon.

Natural kailangang mai-adjust na ang role sa takbo ng panahon ngayon. Dahil doon asahan na ninyo na iba ang magiging atake ni Jodi sa kapareho ring role, kasi nagkaroon na rin kahit na kaunting kaibahan ang mga character eh, at iba na ang panahong ito.

Unfair kay Jodi kung lagi na lang siyang ikukompara sa iba, ganoon on her own ay napakagaling naman niyang talaga.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …