UNCUT – Alex Brosas
NGAYON pa lang ay nega na ang dating ng remake Marimar na unang pinagbidahan ni Marian Something.
Sa newest version ng hit Mexicanovela ni Thalia ay ang Miss World 2013 na si Megan Young ang gaganap na Marimar at si Tom Rodriguez naman ang papael bilang Sergio Santibanez na dating ginampanan ni Dingdong Something.
This early, marami na ang turned off sa move ng GMA na i-remake ang Mexicanovela. Wala ring dating para sa mga tao sa social media ang tambalang Megan and Tom.
“i’m not thrilled. okay na yung isang remake. and if ever matuloy, megan needs a LOT of acting worshops!”
“AGAIN !! well, GMeeewwww makes sure that Megan will shine as Marimar. I don’t think so! They should give new and fresh character. Goodluck Kapusucks !!”
“Hmmm…sana di nalang ni remake iyan…diba kagagawa lang ni Marian diyan? Parang too soon…I feel sorry for Megan to be compared to Marian….sayang lang…flop iyan.”
Ilan lang ‘yan sa negang comment na aming nabasa mula sa isang entertainment portal.