Thursday , December 26 2024

Nepomuceno at Tuason tagumpay  sa Anti-Smuggling

00 parehas jimmyCONGRATULATIONS sa buong BOC-NAIA District dahil sa pagkakasabat nila ulit sa ipinagbabawal na gamot.

Talagang ‘di na mapipigilan ang paghuli ng illegal na droga na pinaparating sa loob ng bansa at magagaling ang ating mga CAIDTF at Customs Examiner na nakasabat  ng shabu na nagkakahalaga ng 1.5 million.

Hindi sa halaga ang pinag-uusapan dito kundi ‘yung maraming buhay ang nailigtas sa nahu-ling droga na sumisira sa buhay lalo sa mga kabataan.

Talagang magagaling ang ating pulisya sa pangunguna ng Customs Deputy Commissioner for Enforcement Group Ariel Nepomuceno at ESS Dir. Willie Tolentino.

Maganda ang samahan nila at talagang lahat sila ay nagtatrabahong maigi para lalo pang makatulong sa ating mahal na Commissioner Bert Lina na isa rin ubod nang sipag sa kanyang trabaho.

Ganyan ang mandato ng pulisya lalo sa Customs-NAIA sa pangunguna ni District Commander Lt. Regino Tuason na lalo pang doble sipag nila kasama na si Lt. Sherwin Andrada na Executive Officer ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force kasama ang kanyang magagaling na mga tauhan.

Lahat sila ang nagsasama-sama upang walang makalusot at kasama nila ang Philippine Drug Enforcement Agency sa paghuli ng mga illegal na droga.

Dapat mabigyan ng commendation o spot promotion ang mga apprehending team dahil magagaling sila at talagang itinataya ang buhay nila sa pagseserbisyo para masugpo ang ano mang illegal na droga at ‘di sila natatakot na banggain ang malalaking sindikato ng droga sa bansa.

Kaya naman asset ang kagaya ng mga apprehending team sa nahuling shabu dahil sila ay buo ang loob na manghuli kahit sino pa ang masagasaan nila.

Ayon kay BOC Depcom Ariel Nepo kasama nila ang PDEA sa paghuli ng shabu  at ang kargamento ay natagpuan sa apat na parsela patungong United Kingdom, Guam at Kaharian ng Saudi Arabia na ang timbang ay 197 gramo, tinatayang 1.5 milyones ang halaga.

Ang nagpadala ng shabu ay sinubukan itago sa loob ng isang diaper, kahoy na frame, at push button sa tabi ng isang rice cooker.

Sinabi ni Customs Commissioner Alberto Lina, doble ang kanilang pagsisikap sa pagmamanman ng mga kargamentong dumarating at lumalabas sa paliparan lalo sa droga.

Dagdag niya, “The Bureau of Customs will never allow drug trafficking syndicate to use the Philippines as a transhipment point for their illegal drugs. Customs officials will always be on the lookout for illegal drugs smuggling attempts. We will not hesitate to prosecute those involved.”

Kaya keep up the good work guys! Naniniwala ako na malayo pa ang mararating ninyo dahil sa inyong magagandang accomplishment. Pagpalain palagi at gabayan kayo ng Panginoon dahil sa magandang adhikain ninyo para sa ba-yan.

***

Ano bang nangyaryari kay Immigration Comm. Fred Mison, ang daming anomalyang lumalabas sa nasasakupan niya. Nagmamadali ba sila? May anomalya daw sa lifting ng blacklist at pati Liberal Party nadamay pa.  Ang Board of Commissioners, siya na lang daw ang pumipirma, wala nang power sina Asscom Mango-tara at Asscom Repizo?

Pati si Governor Boy Umali kinakalaban? Too bad for Mison.

Naglalabasan na mga bulok sa ahensiya niya.

Ang daming kaso sa Ombudsman.

Grabe daw ang katiwalian. Centralized daw? Totoo ba ang report na ito, nakasusuka.

Pati mission order sila na lang daw ang nagkakaalamanan.

Sa Intel ganoon din. Meron din daw doon. Kunwari mabait daw at walang kinikita pero palihim daw nangongolekta  sa mga trader na Bombay, Intsik, Koreano at lahat ng klase ng nationality, grabe na raw ito.

Narinig daw ng isang taga-Intel kung ano pa ba ang gagawin natin, patapos na PNoy, dapat mag-ipon na tayo. Intel nga? Nakahihiya ‘yun bang nagmamalinis kunwari, pero tirador pala.

Dapat sa huling SONA ng Pangulo, Immig-ration ang  pagtuunan ng pansin dahil nariyan ang malaking corruption. Kung totoong papalitan si Mison, ‘di na raw makapag-iipon.

Grabe naman ang taga-Immigration magsa-lita. Kayo naman?

Biruin ninyo, galit na galit si Governor Umali  kay Mison dahil doon sa Chinese national na may kaugnayan sa BBL dahil pinalusot daw nila. He! He! He!

Kaya maganda ang slogan niya kunwari, “Bad guys out. Good guys in.”

Ano ba ‘yan, pati picture ni Mison nakalabas pa ang dila sa wacky photo with an OJT sa Mactan, grabe naman ‘yun.

Para raw ‘di siya government official sabi ng mga taga-Immigration.

Magmula raw nang ma-in-love si Mison kay Valerie Concepcion  ay nagkawindang-windang na ang Immigration. Bakit kaya?

May nagsabi sa atin na ‘di raw siya papalitan after the SONA dahil malakas daw siya.

Hindi tayo naniniwala riyan. Noong panahon ni Gen. David puro salita ng bunganga niya, “Di raw siya papalitan dahil taga-Tarlac siya.” Sa pagkakakilala ko kay PNoy walang malakas sa kanya ‘pag masyado nang corrupt, gets mo Mison?

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *