Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Germs, kailangan pa rin ng telebisyon!

HATAWAN – Ed de Leon

010615 German Moreno

FINALLY, nakabalik na rin si Kuya Germs sa kanyang Walang Tulugan. Six months din naman siyang nawala, at marami rin siyang na-miss at naka-miss sa kanya. Pero ang maganda nga lang, noong panahong hindi siya lumalabas sa telebisyon dahil sa nagkasakit siya, at saka sinasabi ng mga tao na kailangan pang lumabas si Kuya Germs, dahil wala namang nakapalit sa kanya talaga.

Siguro kahit na ano pa ang sabihin ng iba na nagawa nila, at makabago na ang telebisyon sa ngayon, may naghahanap pa rin naman ng dating style ni Kuya Germs, na ewan nga kung bakit hindi nila magawa sa ngayon.

Natatandaan namin, noong araw, basta ganitong panahon na, nagsisimula na si Kuya Germs ng celebration ng independence day sa kanyang mga show, at lahat ng kasuotan at mga production number nila ay Filipiniana na ang tema, at hindi basta-basta iyon. Iyong Bayanihan Dance Company, at maging iyong Ramon Obusan Folkloric Group na hindi mo halos makita sa TV nakukuha niya. Hindi naman puro grupo lang ni Bella Dimayuga ang nakikita sa show niya.

Basta buwan ng Mayo, may Santacruzan pa si Kuya Germs sa kanyang show, at lahat halos ng mga malalaking artista ang nakukuha niyang sagala. Kompleto iyon, mayroon pang musiko at saka mga arko para sa mga sagala.

Iyong ganyang panoorin ang nawawala na sa telebisyon ngayon, kaya marami nga ang nagsasabi kailangan pa rin si Kuya Germs sa telebisyon. Sana nga sa kanyang pagbabalik ngayon ay maibalik din niya ang gaya ng dati sa kanyang mga show noong araw, kaso magastos talaga ang mga ganoong produksiyon.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …