Wednesday , December 25 2024

K12 program at budget kuwestiyonable kay Cong. Pagdilao

00 aksyon almarHINDI lingid sa kaalaman ng lahat lalo na’ng Malacañang na kaliwa’t kanan ang pagbatiko sa K12 program ni PNoy dahilan para pagdudahan kung talaga nga bang handa na ang pamahalaan sa programa o kung dapat munang suspindehin ang  pagpapatupad nito.

Kung suriin kasi, masyadong mataas ang layunin ng K12 (RA 10533) na mas kilala sa tawag na Enhanced Basic Education Act of 2013. Nais nitong gawing pantay sa pandaigdigang pamantayan ang edukasyon sa Filipinas.

Maganda man ang layunin, parami nang parami ang umaangal dahil higit na apektado rito ang maralitang halos ipanglimos ang gastusin para sa araw-araw na kailangan ng kanilang mga pumapasok na anak.

Ngunit ang unang nakikitang problema sa K12 ay sa guro sa kabila ng pagtitiyak ng administrasyong Aquino na may sapat na bilang ang mga guro. Pero isa pala itong kasinungalingan – umaangal na ang mga guro sapagkat ayon sa rule 3 ng IRR ng K-12, dapat mag-upgrade at mag-training ang mga guro para maging sakto ang kanilang kaalaman sa pagtuturo sa bagong curriculum ng K-12.

Ang pagsasanay ay hindi rin libre – may bayad pati na ang teaching modules. Dagdag pabigat sa mga guro na sa kabilang banda ay mga magulang rin na apektado sa dagdag gastos hatid ng K-12. Aba’y dagdag na dalawang taon ba naman sa high school – grade 11 at 12  na hindi naman libre sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo na handang mag-offer nito.

Sa nakatakdang budget hearing, ‘yan ang dapat busisiin ng mga mambabatas. Tiniyak naman ni Cong. Sammy “Sir Tsip” Pagdilao na kanyang sisilipin ang sistema ng pagpopondo sa K12. Halimbawa, kung ang modernisasyon ng Armed Forces ay popondohan mula sa bentahan ng mga dating base militar ng AFP, o kung ‘yung binabalangkas na PNP Modernization na si Cong. “Sir Tsip” Pagdilao ang namumuno sa komiteng bumabalangkas, tinatarget ang koleksiyon sa lisensya ng baril at permit to carry bilang source of funding.

Kaya, dapat malinaw rin sa K-12 kung saan kukunin ang pondo para rito at hindi ipapapasan sa kung sinong pribadong sektor na puwedeng tumulong. Batid natin na may damdamin para sa mga mag-aaral si Pagdilao. Noon pa mang siya ay nasa serbisyo bilang heneral ng pulisya, isinulong nito ang programang “Pulis Ko Titser Ko” sa CAMANAVA area, sa Western Visayas at sa Timog Katagalugan upang iiwas ang mga batang estudyante sa kapahamakan dulot ng krimen.

Ngayon bilang mambabatas, higit sa 1,500 estudyante sa kolehiyo mula iba’t ibang probinsiya ang tinutulungan ni Pagdilao. Bukod pa sa high school students na tinutulungan niya ngayon.

Dahil dito, nais ni Cong. Pagdilao na busisiin ang usapin sa K-12 alang-alang sa milyong mag-aaral at mga magulang na maaapektohan ng malawakang pagbabago sa larangan ng edukasyon. Tulad ng nabanggit, sabihin nang maganda ang pakay ng K-12 ngunit handa na ba ang lahat – hindi lang ang gobyerno ang tinutukoy natin kundi ang milyong magulang – handa na ba silang pasanin ang dagdag gastusin. ‘E iyong regular years na pag-aaral na lang hirap na ang marami sa gastusin, lalo pa kaya kung dagdag pa ng dalawang taon?! Kaya tama lamang na busisiin ni Pagdilao ang K12 lalo na kung saan kukunin ang pondo para sa iniyayabang ng Aquino administration na wala raw problema hinggil sa K12. Kay Pangulong Aquino, no problem siguro dahil ipinanganak siyang may ginto sa labi, e paano tayong mga isang-kahig isang-tuka.

Mabuti na lamang at nandiyan si Cong. Pagdilao para busisiin ang lahat sa darating na budget hearing. Mabuhay ka Sir Tsip Pagdilao, ang tulad mo ang dapat – may puso para sa maralita.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *