MA at PA – Rommel Placente
MARAMING nagpapatunay na nakipagbalikan na si Jennylyn Mercado kay Dennis Trillo. Pero kapag tinatanong ang una kung nagkabalikan na sila ng huli, ang lagi niyang sagot ay hindi. Magkaibigan lang daw sila ni Dennis at mas naging close sila ngayon kaysa noong time na sila pa raw.
Maraming hindi naniniwala sa sinabing ito ni Jennylyn kahit ang isang kaibigan namin. Minsan daw kasi ay nakita niya sina Jennylyn at Dennis na magkasama sa isang mall sa Ortigas na silang dalawa lang. Ano kaya ang dahilan at ayaw umamin ni Jennylyn na talagang nagkabalikan na sila ni Dennis? Hindi kaya ang dahilan ay nahihiya siya na umamin dahil siniraan niya si Dennis sa publiko noong naghiwalay sila?
‘Di ba sa isang interview niya noon ay sinabi niya na sinasaktan/binugbog siya ng aktor noong sila pa? Na nang makarating ito kay Dennis ay deadma lang siya. Hndi niya pinatulan ang paninira ni Jennylyn.
Tapos ngayon nga ay nakipagbalikan siya sa taong siniraan niya.