UNCUT – Alex Brosas
BUMAHO ang image ng GMA 7 dahil sa demonstration ng 50 members ng Talents Association of GMA (TAG) na nagmartsa sa GMA building last Friday kasama ang iba’t ibang labor groups, mga estudyante, at media organizations.
Ipinaglalaban ng TAG members ang pagpigil sa contractualization ng mga empleado. Marami pala sa kanila ang hindi pa nababayaran dahil sa pag-refuse nila sa acknowledgment receipts na sa paniwala nila ay makaaapekto sa regularization case na kanilang isinumite sa National Labor Relations Commission (NLRC).
Maraming batikos ang inabot ng GMA sa social media. Kesyo naturingang Kapuso raw sila pero mga wala naman silang puso.
Ano kaya ang reaction ng GMA executives rito? We’re writing this in advance kaya wala pa kaming nabasang reaction nila rito. Magtrabaho kaya nang husto ang GMA PR Head nilang si Angel Javier para mapaganda ang image ng network na pinagtatrabahuhan niya? Well, trabaho niya iyan kaya magsimula na siyang maglinis, ‘no!