Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gay TV host comedian, pera sa alkansiya ang ibinayad sa boylet na nai-take-home

 

00 blind itemni Ronnie Carrasco III

ISANG grupo ng mga estudyanteng basketbolista ang naghahapi-hapi sa isang bar sa bahagi ng Quezon City, pero na-settle na nila ang bill when a familiar gay TV host-comedian stormed into the bar.

Doon na naisip ng tropa na ipain ang pinakapogi sa kanila na sanay na umano sa pamamakla. Pero hindi na kailangan pang magpa-charming ng boylet, ito kasi agad ang napansin ng bading na napadaan lang sa lugar na pinag-iinuman nila.

Rito na umeksena ang bading, he joined the group na magiliw naman siyang tinanggap. “O, order pa kayo!” paanyaya ng tumeybol sa kanila. Bumaha tuloy ng alak at pulutan ang mesa.

Ilang saglit pa, the gay comedian footed the bill, pero hindi ibig sabihin tapos na ang gabing ‘yon. Balak niya kasing i-take home ang natipuhang boylet na—dahil bihasa naman sa pamamakla—sumama naman sa kanya while the rest of the group stayed at the bar para hintayin itong bumalik.

It took less than an hour bago nakabalik ang boylet na sa bungad pa lang ng bar ay halatang isang bakol ang mukha. “O, pare, ‘musta? Successful ba?” halos sabay-sabay na tanong ng mga kasama niya.

Padabog nitong inilapag ang isang malaking alkansiya na may kabigatan na kanina’y hindi naman nito bitbit nang sumama sa gay comedian. “Put…ina, pare! Wala palang cash sa bahay ‘yung baklang ‘yon kaya eto’ng ibinayad niya sa akin!” sabay nguso sa dala-dalang alkansiya na ang laman ay sa bar pa nila pinagtulong-tulungang bilangin.

Da who ang gay TV host-comedian? Isang syllable lang po ang ginagamit niyang screen name.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …