SI Gary Valenciano pala ang magiging wedding singer nina Luis Manzano at Angel Locsin at matagal na raw itong alam ni Mr. Pure Energy.
Tinanong kasi si Luis kung sino ang gusto nila ni Angel na kumanta sa kasal nila dahil si Lea Salonga ay nagprisintang kakanta sa kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
“Napag-usapan na namin na si Tito Gary (Valenciano) ang kakanta, Hagibis para romantic (biro ng aktor).
“Si Tito Gary talaga nakausap na namin noong nag-‘ASAP’ Dubai at saka eversince sinabi ko na, ‘Tito Gary I want you to sing when I get married’, sabi niya, ‘anong song?’ sabi ko, ‘Hataw’ na (biro ulit).”
Tinanong namin kung ang bahay na ipinagawa ni Angel ang titirhan nila. “May mga napag-usapan na rin kami kung saan kami titira after, so ‘yun, ganoon kami kaseryoso at nalalatag na namin iyon.”
“Pina-extend lang niya ‘yung bahay niya, same house pa rin, para sa pamilya niya, para sa kapatid niya, but still the same house, parang major renovation lang niya (Angel).”
As of now ay walang alam pa ang TV host/actor kung kailan ang eksaktong petsa at taon siya magpo-propose kay Angel dahil sa ngayon ay pareho silang busy.
“Napag-uusapan na namin (Angel), nagkakataon lang na I have so much things to do lalo na siya mas magiging busy pa sa akin this coming year.
“So the thought is there, the intention is there but were taking our time to finish our commitments as individuals muna.”
Nasa kontrata ba ni Angel na bawal siyang mag-asawa at magbuntis?
“Ah ako, ha, ha, ha (biro ni Luis), hindi ‘yung sa kanya (Angel) naman I think na may mga stipulations na puwede naman sa big, big step na mangyayari sa amin, so we have to finish certain things muna,” katwiran ng future husband ni Angel.
So malamanng sa 2016 na, pero may Darna movie siyang gagawin pa kaya posible bang 2017 na ang kasal?
“I wish I knew, well, napag-uusapan namin, pero kumbaga, I was with her (Angel) last night, magkausap kami, napag-uusapan din namin ‘yung pictorial, ‘yung ganyan-ganyan, 2017 maybe, masyadong malayo pala.
“Ayoko muna magsalita kasi when we feel right, when we feel like settling down, then, kasi now, we can’t sa rami ng ginagawa namin so when we have enough to focus on that, doon na namin ilalaban, siyempre may engagement pa kasi,” paliwanag pa ng aktor.
At natanong si Luis tungkol sa plano nitong pagpasok sa politika dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang sagot.
“’Yun nga, kapag na-prioritize ko ang ABS, I will have to step back, ‘pag nag-decide na talaga ako na Yes and I want to serve, kailangan kong magpahinga ng showbiz, well at least very minimal work.
“Hindi ako puwedeng tumanggap ng daily show habang tumatakbo, napaka-unfair naman ‘yun sa mga boboto kasi nasa ‘yo ang tiwala nila para sa kabuhayan nila tapos ang focus mo pala is daily show. So I have to weigh everything,” say ng aktor.
Sobrang suportado raw siya ng girlfriend niya anumang plano niya, “kahit anong gawin ko, suportado ako ni Angel at kahit nasa bahay lang ako at kamutin ko ang tiyan ko, suportado ako ni Angel,” tumatawang sabi ni Luis.
Samantala, hindi halata sa mga ngiti ni Luis na may problema siya sa ngipin dahil magaganda at mapuputi ang mga ito.
Kaya naikuwento niya na nalaman lang niya noong nagpa-check up siya dahil sa pagiging coffee at tea drinker niya.
And I’m a coffee and tea drinker and used to be a hard brusher, so ‘yung enamel numipis na ng kaunti plus the tea I’m drinking so I realized na medyo may problema ng pagkainom.
“Even the aircon ng kotse, huminga ka lang ng mali at pumasok na ‘yung cold air, mararamdaman mo ‘yun, may sharp pain talaga.
“Am sure lahat tayo naranasan ‘yan na pagkainom (malamig na tubig), may aray so that’s the time na I learned I have sensitive tooth thru my dentist and he recommended me Sensodyne, I’ve been with them for the past year and we strengthen our commitment. Sensodyne hindi kailangan magtiis, there is a way to cure the teeth,” kuwento ng aktor.
Say nga ng aktor, ‘SayNoToNgilo Sensodyne.’
Natanong din namin ang aktor kung may planong bumalik sa pagka-Mayor ang mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto dahil base sa mga nakausap naming taga-Lipa, Batangas ay malakas ang ugong na kakandidato nga ang Star for All Seasons.
“You know, honestly, in terms of my mom’s political plans, never akong nagtanong.
“Kami, especially kapag nagkakasama kami ni Mommy, medyo bihira na dahil sa mga busy schedule namin.
“Pero when we have dinner or kuwentuhan namin, we leave politics outside.
“It is basically catching up lang ng isang ina at ng isang anak.”
”Anything na politics, anything na ganyan, hindi namin pinag-uusapan.”
At sa tanong na maraming nanunuyo kay Ate Vi para tumakbo bilang Vice President sa 2016 elections.
“Oo, I’m sure, with her track record, how she has served Lipa and Batangas, I would not be surprised if people wanted her to run for a national position.
“It makes me proud as a voter and as a son na ganoon ang tingin nila sa mommy ko bilang isang politiko,” pahayag ni Luis.
FACT SHEET – Reggee Bonoan