Tuesday , December 24 2024

Daniel, deadma sa panawagan ni Kris ukol kay Carmella

060915 daniel carmella bimby

00 fact sheet reggeeHINDI pinagbigyan ni Daniel Padilla ang panawagan ni Kris Aquino sa Kris TV na payagan nito ang bunsong kapatid na makasama sa pelikula nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista bilang kapartner ni Bimby.

Matatandaang ipinaalam ni Kris ito kay Karla Estrada at nabanggit nito na hindi siya ang magdedesisyon kundi si Daniel dahil bilin niya na hangga’t nagtatrabaho siya ay walang gagawin ang mga kapatid nitong babae kundi mag-aral at hindi muna magso-showbiz.

Kaya kinunan naman ng reaksiyon si Daniel tungkol dito at diretso niyang sinagot na ayaw niyang pasukin ng mga kapatid ang showbiz at papayag lang daw siya kapag nasa edad 30 na ang bunso nila.

As of now ay kasalukuyang nasa Japan sina Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby na nagselebra ng kaarawan ang panganay na anak.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Kris sa hindi pagpayag ni Daniel?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *