Wednesday , November 20 2024

Most Wanted Concert ng Teen King sa MoA Arena sa june 13 na (Daniel Padilla binigyan ng kredito ang mga taong nakasama sa pagsikat)

 

Vonggang Chika! – ni Peter Ledesma

060815 daniel padilla

PAGDATING sa kanyang mga commitment ay napaka-propesyonal talaga ni Daniel Padilla.

Last Saturday, pagkagaling sa taping sa Zambales ng teleserye nila ni Kathryn Bernardo na “Pangako Sa‘Yo” ay halos 3:00 am na nakauwi ng bahay si DJ. Pero pagkagising, go na naman agad si Daniel sa Dong Juan resto para sa presscon ng kanyang 3rd big concert na “Daniel Most Wanted” na gaganapin ngayong June 13 sa MOA Arena. As of press time, sold-out na raw ang tickets at sa nasabing presscon.

Nakaagaw pansin din ang sagot ng Teen King tungkol sa tanong sa kanya ng lady entertainment editor ng sikat na glossy magazine kung ano ang masasabi niya na siya ang most wanted actor ngayon hindi lang sa telebisyon at pelikula kundi sa concert scene, recording at mga endorsement.

Sey niya, hindi raw naman niya mararating ang lahat kung wala ang mga nakatrabaho niya sa lahat ng mga proyekto niya. Kaya’t binigyan ng kredito at pinasalamatan ang lahat ng kanyang mga producer, director, mga nakasamang artista lalo na siyempre ang ka-love team na si Kathryn, na darating sa concert para suportahan siya.

Kabilang pala sa magiging special guest ni Daniel ay Si Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Kyla, KZ Tandingan, Morisette, Harana Boys at may special participation din sina Nyoy Volante at Edgar Allan Guzman ng Your Face Sounds Familiar.

Bubulaga rin daw sa concert ang Mama Karla Estrada ni DJ na alam naman natin na palaban din pagdating sa kantahan.

Samantala sinabi ni Daniel, ibang-iba ang “Daniel Most Wanted,” sa mga nauna niyang concert. This time ay mas intimate, mas personal at mas mapuso raw ang Most Wanted. At sigurado mag-i-enjoy ang lahat sa music of 70s and 8os tulad ng pinasikat na awitin ni Frank Sinatra na Come Fly With Me, How Sweet It Is (To Be Loved By You) ni James Taylor, Knocks Me Off My Feet ni Stevie Wonder at marami pang iba.

Umaasa si Daniel na maibigay niya ang lahat ng inaasahan ng kanyang mga tagasuporta sa gagawing concert.

May good news ang Teen King at mga producer ng concert na ABS-CBN Integrated Events at Star Event sa fans na hindi makararating sa MOA.

Sa halagang Php 250 lang ay puwede na nilang mapanood ang Daniel Most Wanted sa mismong araw din ng concert sa June 13 sa pamamagitan ng live feed sa ilang SM Cinema sa Davao, Cebu, Iloilo, Cabanatuan, Dasmarinas, Pampanga at Legazpi.

Pwede rin ninyo itong mapanood sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng live pay-per-view ng Sky Cable sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Bacolod, Dumaguete, at General Santos City.

Ang taray ‘di ba? Lume-level na si Daniel sa ating Boxing Champ na si Manny Pacquiao. Well he deserves this lalo’t panahon niya.

Mabibili ang tickets sa opisina ng Mall of Asia Arena at sa SM Tickets at SM Cinema outlets sa buong bansa. Maaari rin tumawag sa SM Cinema hotline sa 47o-2222.

Let’s support this beautiful and very entertaining concert gyud!

“Yamishita’s Treasures nina Coco at Julia, pasok sa top 10 TV programs nitong Mayo

“NATHANIEL,” PINAKATINUTUKANG TV PROGRAM SA BUONG BANSA

Patuloy na pinag-uusapan at namamayagpag sa puso ng TV viewers ang mga programang hatid ng Dreamscape Entertainment Television ng ABS-CBN noong Mayo sa pangunguna ng top-rating inspirational drama series na “Nathaniel.” Base sa datos mula Kantar Media para sa buwan ng Mayo, pumalo ang teleseryeng pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Marco Masa ng average national TV rating na 33.5%, o halos doble ng katapat nitong programa. Pasok din sa sampung pinakapinanood na programa sa bansa noong Mayo ang “Wansapanataynm” special ng Teleserye King na si Coco Martin at Kapamilya actress na si Julia Montes na pinamagatang “Yamishita’s Treasures.” Ito ay nakakuha ng average national TV rating na 25.4%, laban sa 17.8% ng kalabang palabas.

Samantala, kinapitan naman ng TV viewers hanggang huli ang katatapos lang na fantaseryeng “Inday Bote” na nakakuha ng average national TV rating na 17.8%. Ito ay pitong puntos na kalamangan kompara sa Koreanovela ng GMA. Ang Dreamscape Entertainment Television din ang grupo sa likod ng mga de-kalibreng teleserye kabilang ang “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anak,” at “Juan dela Cruz.”

Patuloy na tutukan ang mga kapanapanabik na tagpo sa “Nathaniel,” gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida, at sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” tuwing Linggo, pagkatapos ng “Goin’ Bulilit.”

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng mga palabas sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, bisitahin lamang ang official social networking site nito sa Facebo- ok.com/DreamscapePH Twi- tter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng mga programa ng Dreamscape gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

About hataw tabloid

Check Also

Sahara Bernales Maryang Palad

VMX star Sahara Bernales proud sa tatay na transgender

I-FLEXni Jun Nardo HINDI ipinagkakaila ng VMX sexy star na si Sahara Bernales ang pagiging IP (indigenous people) niya. …

Xian Gaza Ai Ai delas Alas

Payo ni Xian kay Ai Ai may halong panunudyo

HATAWANni Ed de Leon MAY halong panunudyo pa rin ang payo ng blogger na si Xian …

Mark Anthony Fernandez

Mark Anthony Fernandez inamin sex video na kumalat

HATAWANni Ed de Leon FINALLY, nagsalita na rin si Mark Anthony Fernandez tungkol sa kanyang kontrobersiyal na …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Dating male sexy star gustong hiwalayan asawang itinuring siyang boytoy

ni Ed de Leon MATINDI ang tsismis, gusto raw hiwalayan ng isang dating male sexy star ang …

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *