Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Krista Miller, mas palaban na sa mga intriga!

060815 Krista Miller

00 Alam mo na NonieMAS matapang at palaban na ngayon sa mga intriga si Krista Miller. Matatandaang bukod sa pag-uugnay sa kanya noon kay Cesar Montano, sumabit din ang pangalan niya sa isang pinaghihinalaang drug lord.

“Ang dami nang dumating sa akin, ang dami nang nangyari sa buhay ko na nagpatatag sa akin. Sabi ko nga dati, noong time na yun nagagalit ako kay Lord, tulad nga sa story, nagalit talaga ako kay Lord noon,

“Parang, ‘Anong nangyayari, bakit sunod-sunod naman yung parusa?’ Bata pa ako noon,16 or 17, wala naman akong ginagawang masama para mangyari sa akin yun. Parang ilang beses akong sumuko, as in nag-give up talaga ako, pero ewan ko hinahatak talaga ako ni Lord, e.

“As in nag-commit na ako ng suicide, na parang sabi ko, ayaw ko na dito, ayaw ko na talaga. Pero wala e, talagang may reason si Lord kung bakit hindi niya ako hinayaan mawala.

“Naisip ko lalayo na lang ako, mag-asawa na lang, tumira sa ibang bansa. Kasi sa daming intriga? Nalaman ko na ang galing talaga ni Lord, kasi ang aga niya akong sinabak e, alam Niya di enough yung strength ko sa mga problem na darating.

“Kasi yung mga nangyayari sa akin ngayon, yung mga ibinabato sa akin ng mga tao, malamang baliw-baliw na ako, nasa mental hospital na ako, di ba? Pero hindi, as in, kayang-kaya ko silang harapin. Wala na akong pakialam kung ano man ang sasabihin nila,” mahabang saad niya.

Samantala, mapapanood si Krista sa pelikulang Piring (Blindfold), na isa sa entry sa World Premieres Film Festival Philippines/Filipino New Cinema section. Ang Piring ay ang directorial debut ng aktor na si Carlos Morales at bukod kay Krista, tinatampukan din ito nina Yussef Esteves, Bembol Roco, Tessie Tomas at iba pa.

Idinagdad pa ni Krista na naka-relate raw siya sa role sa Piring. “Katulad noong sa nangyayari sa akin na mga ganyan, ako naman ‘di ba may past issues ako? Pero ngayon wala na akong pakialam doon e. Parang ano e, di ko na iisipin kung ano ang sasabihin sa akin ng mga ibang tao.

“May mga scene kasi doon na hindi ganoon kadali gawin e, pero talagang humugot ako… unti unti habang dumadami yung experience ko sa life, nalalaman ko yung pinakaimportante sa akin which is yung family ko. Na parang, mawala na kayong lahat wala na akong pakialam, basta ‘wag lang yung family ko,” saad pa niya.

Ang World Premieres Film Festival Philippines ay hatid ng Film Development Council of the Philippine at mula sa pakikipagtulungan ng SM Cinema. Gaganapin ito sa June 24 hanggang July 7, 2015 sa SM North EDSA.

Bukod sa Piring, ang iba pang entry dito ay kinabibilangan ng Sino Nga Ba Si Pangkoy Ong?; Kubo sa Kawayanan; Maskara; I Love You, Thank You; Kuwento Nating Dalawa; Filemon Mamon; at Of Sinners and Saints.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …