Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Team Mojack, pinaligaya ang mga taga-Ilagan, Isabela

 

060515 Mojack

00 Alam mo na NoniePUNO ng saya ang ginanap na exhibition basketball game ng Team Mojack na ginanap sa sa Ilagan City, Isabela last May 26.

Ang singer/comedian na si Mojack Perez ang tumatayong manager ng star-studded na grupo na kinabibilangan nina Jestoni Alarcon, Onyok Velasco, Joross Gamboa, Marco Alcaraz, Joseph Bitangcol, Matt Evans, Carlos Morales, Paolo Paraiso at ng mga dating PBA stars na sina Nelson Asaytono at Marlou Aquino.

Ginanap ito sa Ilagan City Gym at naungusan ng mga kalaban ang Team Mojack sa score na 75-68. Pero ang mahalaga kay Mojack at mga kasamang celebrity ay marami silang napasa-yang tao.

“Basta napasaya namin ang mga taga-Ilagan at nagtitilian ang mga girls sa mga kasama kong guwapo. After the game, si Mayor Jay Diaz ay sobrang saya niya at siya pa talaga nag-aasikaso sa amin para maghapunan. Napakabait niyang tao at saludo ako sa kanya. Actually sa kanila, kasi ganoon din ang mga anak niya ang babait, pati ang wife ni mayor na si Mam Mudz.

“Kayat muli nagpapasalamat ako sa tiwala sa akin ni Mayor Diaz at sa kanyang asawa na si Madam mudz na siyang susu-nod na kakandidato bilang alkalde ng Ilagan city,” esplika ni Mojack. Sa ngayon, bukod sa successful na show nina Mojack at former Viva Hot Babe na si Zara Lopez sa Dubai noong May 29 and 30, busy si Mojack sa album niyang Ikembot Mo in collaboration sa rapper/composer na si Blanktape. Pati na sa katatayo lang na Mojack’s Entertainment Management na naglalayong makatulong sa mga talented at baguhang artist na gustong magkaroon ng break sa showbiz.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …