Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Publiko, panalo sa Happy Truck ng Bayan ng TV5

HATAWAN – Ed de Leon . 

060515 Happy Truck ng Bayan

ANO kaya ang gagawin ninyo kung makikita ninyong papunta na sa inyong lugar iyong Happy Truck ng Bayan? Siguro kami susundan na namin kung saan titigil iyon. Kasi hindi lang malalaking entertainment numbers ang kanilang gagawin, may mga game pa sila na ang mga kasali at maging ang audience ay may pagkakataong manalo ng malalaking premyo. Matindi iyong mga premyo nila sa games nila ha.

Iyang Happy Truck ng Bayan ang bagong Sunday noontime show ng TV5, pero ang kaibahan niyan, hindi kagaya ng ibang shows na nasa studio lang. IyangHappy Truck ng Bayan ay pupunta mismo sa iba’t ibang lugar, gamit nila ang high tech na remote controlled truck na siya ring magiging stage nila, kompleto pati lights at sound system, at doon ninyo mismo mapapanood ang mga malalaking stars na nagpe-perform ng live. Ang maganda pa, taped as live iyan. Ibig sabihin darayo iyan sa lugar ninyo at doon isasagawa ang show, at tapos mapapanood ninyo mismo ang show na iyon sa kasunod na Linggo. Mapapanood ninyo ng live, mapapanood pa ninyo sa TV.

Ang main hosts ng show ay sina Derek Ramsay, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gelli de Belen, Mariel Rodriguez, kabilang na ang kanilang mga youngstar na pinangungunahan ng matinee idol na si Mark Neumann, iyong new generation ng Sex Bomb dancers, at marami pang iba.

Iyon lang makita ninyo ng personal ang mga artistang iyan, panalo na kayo eh. Aba eh magkano nga ba ang kailangan ninyong ibayad para mapanood sila sa kanilang mga show at concerts? Eh diyan sa Happy Truck ng Bayan, darayo na mismo sa lugar ninyo, mapapanood pa ninyo sila ng libre, at puwede pa kayong manalo ng games. Hindi ba panalo na agad kayo sa ganyan?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …